^

PSN Showbiz

Gary V natanggap agad ang birthday gift

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Gary V natanggap agad ang birthday gift

After more than two months matapos ang kanyang emergency open heart surgery nung nakaraang May 6, 2018 sa St. Luke’s Glo­bal City na sinundan ng kanyang operasyon ng kanyang malignant tumor sa kidney in June, muling mapapanood ang tinaguriang Mr. Pure Energy at music icon na si Gary Valenciano sa ASAP at sa kanyang pagbabalik bilang isa sa mga hurado ng celebrity impersonation contest na Your Face Sounds Familiar Kids simula sa July 28 (Saturday) and July 29 (Sunday). Ito rin bale ang magsisilbing pre-birthday gift  for Gary V. who is turning 54 on August 6.

Tiyak na matutuwa ang mga fans ni Gary V. na kanyang nalagpasan ang da­lawang matitinding pagsubok na duma­ting sa kanyang buhay.

Gary V. and his wife Angeli Pa­ngilinan-Valenciano will also be celebra­ting their 34th wedding anniversary.  The couple is blessed with three children – sina Paolo, Gabriel and Kiana.  The singer and concert director Paolo is now married to Samantha Godinez-Valenciano and they have a one-year and seven months old daughter na si Leia na isa ngayon sa source of joy ng kanyang granddad na si Gary V.  Ang pangalawang anak nina Gary V. at Angeli na si Gab ay hiwalay na sa kanyang  ex-wife na si Tricia Centenera habang ang kanyang bunso and only daughter na si Kiana ay nobya ng singer-dancer-actor na si Sam Concepcion.

Sue tumatagal ang relasyon kay Joao

Ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez ay siyang itinuturong nobya ng isa sa mga miyembro ng Boyband PH na si Joao Constancia.

In October last year ay inamin ni Sue that she was dating Joao.

Bukod kay Joao, ang Boyband PH ay binubuo nina Russell Reyes, Ford Valenciano, Niel Murillo at Tristan Ramirez.

Ang real name ni Sue ay Sue Anna Garina Dodd. Filipina ang kanyang ina at American naman ang kanyang ama.

Si Sue ay bunso sa limang magkakapatid with three other sisters at isang brother.

Last month ay ginulat ni Sue ang publiko with her new short hair cut.

Huling napanood si Sue sa isang TV series na Hanggang Saan at may movie siyang kalahok sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino, ang Ang Babaeng Allergic sa WiFi na dinirek ni Jun Lana for IdeaFirst Company.  Kasama rin si Sue sa pelikulang Mano Po 8: My Great Love na co-production ng Regal Entertainment and TBA Studios.

Travel agent nirereklamo, walang modo!

Hinding-hindi makakalimutan ng well respected veteran entertainment editor/columnist ng Philippine Star na si Ricky Lo ang kanyang hindi ma­lilimutang experience sa isang travel agent ng ESQ Leisure (Tours Travel) na nagngangalang Gemma Galope na ang tanggapan ay matatagpuan sa Resorts World Manila.

Inireklamo ni Ricky ang pagiging discourteous, ill-mannered at pagiging walang modo umano ni Gemma na sa halip na maging friendly sa mga customers ay kagaspangan ng ugali ang ipinakita nito.

Ricky was to claim the PAL promo round-trip ticket (Manila-Japan-Manila) na regalo sa kanya ng talent manager na si Shirley Kwan may tatlong taon na ang nakakaraan. Sa tulong ng secretary or assistant ni Shirley na si Jenny, ibinigay niya kay Ricky ang contact number ni Gemma ng ESQ Leisure kung kanino niya iki-claim ang kanyang ticket.  July 14 dapat ang alis ni Ricky kasabay ng kanyang kaibigang si Raoul Tidalgo (isang retired entertainment journalist) na nakabili rin ng PAL promo ticket.  Naka-reserved na rin ang kanilang hotel sa Chiba in Japan.

Sa halip na maging helpful at friendly ang tono ni Gemma, sinabihan niya si Ricky ng pabalang na two days before departure pa umano ire-release ang kanyang ticket at huwag daw siyang (Gemma) takutin sabay bagsak ng telepono sa kabilang linya. 

Disappointed, napilitan si Ricky na bumili ng panibagong PAL ticket (sa ibang agency) para hindi masira ang kanilang planned trip ni Raoul patungong Japan. Pero hinding-hindi makakalimutan ni Ricky ang kagaspangang ipinakita ng travel agent na si Gemma Galope ng ESQ Leisure.

vuukle comment

GARY V.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with