^

PSN Showbiz

John at Jake may ilangan pag nagkikita

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
John at Jake may ilangan pag nagkikita
John

Naghiwalay pero nagkabalikan pala si Inah de Belen at ang kanyang boyfriend na si Jake Vargas kaya sure na ramdam nila na may katotohanan ang kasabihan na love is lovelier the second time around.

Nakarating sa akin ang balita na guest si John Estrada sa isang episode ng Pepito Manaloto at second time na nagkita sila ni Jake kaya medyo nailang ito sa presence ng kanyang “future father- in-law.”

Mainstay si Jake ng sitcom ng GMA 7 at naranasan niya na kantiyawan ng kanyang co-stars sa set ng Pepito Manaloto dahil sa pagkikita nila ni John.

Bukas na ang grand presscon ng Victor Magtanggol, ang primetime television series ng GMA 7 na pinagbibidahan ni Alden Richards.

Kasali si John sa cast ng Victor Magtanggol at kung tama ang dinig ko, siya ang kontrabida sa buhay ng karakter ni Alden.

Ang Victor Magtanggol ang unang show ni John sa GMA 7 bilang Kapuso actor.

I’m sure, ang pagsasama nila ni Jake sa taping ng Pepito Manaloto ang isa sa mga itatanong kay John ng mga reporter na invited sa media launch ng Victor Magtanggol.

Sherilyn at Ryle parang hindi mag-ina

Very close pala ang mag-inang Sherilyn Reyes at Ryle Santiago. Cute tingnan ang mag-inang very young looking ang mother at teener ang anak ‘yung bang puwede mo pang pagkamalan na mag-bf/gf dahil nga sobrang young looking ni Sherilyn at ang tangkad-tangkad ng anak na si Ryle.

Humingi nga ako ng dispensa dahil med­yo napitik ko ang hindi pag-attend ni Ryle sa presscon ng Bakwit Boys eh hindi naman pala sila nasabihan tungkol dun. Kilala sa pagiging professional ang mga Santiago kaya nakapagtataka na balewalain ni Ryle ang presscon kung nasabihan siya.

Nagkita kami ng mag-inang Sherilyn at Ryle sa birthday lunch ng kaibigan nating may-ari ng Megasoft na si Aileen Go na talagang very personal ang tingin sa mga kaibigan sa press. Imagine sa joint birthday nila ng asawa niya sa Anabels, nag-invite siya ng mga kaibigang press. At talagang nag-enjoy ako dahil for the longest time nakita ko  nga uli si Sherilyn  at Ryle Santiago.

Ang sarap ng kuwentuhan, at feeling family ka dahil pati ang mga anak nila Aileen nandun for the lunch.

Happy birthday Mr. and Mrs. Go ng Megasoft, more birthdays to come.

Donnalyn todo-emote sa mga naninisi

Affected na rin si Donnalyn Bartolome sa mga batikos na natatanggap ng Jacqueline Comes Home, ang pelikula nila ni Meg Imperial dahil sinisisi rin sila, kahit walang kasalanan ang dalawa na mga paslit pa nang mangyari ang kidnap/rape/murder sa Chiong sisters noong July 1997.

Social Media Sweetheart ang tawag kay Donnalyn dahil mahigit sa apat na milyon ang followers niya sa Facebook kaya ito ang ginamit ng singer-actress para iparating sa lahat ang kanyang mga  saloobin.

“Hindi ako reklamador na artista, kasi sino ba naman ako pero Viva Artists Agency paki-klaro po sa mga taong ito kung ano ang totoo.

“You can all say ‘di ako nag-research kahit I did but the team led me to believe na may surprise ending NA WALA SA MGA ARTISTA ANG NAKAKAALAM para ma-curious ang mga tao SAYING kung ano talaga nangyari kay Jacqueline.

“Naririnig ko pa sa team ‘you’ll know what happened to Jacqueline’ Kahit di ako sure sa kung ano man yun, kesyo buhay or patay yung tao dahil si Mrs. Chiong ang source niyo(about what happened kay Jacqueline) I trusted the team.

“Akala ko sasabihin na dito ni Mrs. Chiong ano totoong nangyari kay Jacqueline. Nakakaiyak sa galit. Kaya nga may ‘I think’ ako sa una when I said that. Pero hindi naman yun iintindihin ng mga tao.

“ I am so tired taking all the blame tapos di niyo pa iningatan inupload niyo pa ito not thinking ma-misunderstand ng mga tao. Dapat iningatan kami kung ayaw man sabihin sa aming mga artista ang ending. Ngayon ‘yung ‘I think dito mare-reveal ang totoong nangyari kay Jacqueline’ “I THOUGHT’ na lang dahil pati kaming mga artista pina-curious sa ending na yan!

“Pare-pareho lang tayo walang alam kahit nag-research pa nakakaiyakkkkkkk,” ang emote ni Donnalyn na hurt na hurt sa baseless accusations ng bashers na nakakalimutan na ginampanan lang niya ang role na ibinigay sa kanya ng mga movie producer.

vuukle comment

JOHN ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with