^

PSN Showbiz

Mayamang pamilya ng aktres, ‘di pa rin tanggap ang kanyang mister

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Parang mahirap paniwalaan ang mga kuwentong bumabalot tungkol sa pagsasama ng isang aktres at ng kanyang mister na non-showbiz. Totoo kayang hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ng pamilya ng female personality ang kanyang asawa?

Nagkaroon ng problema sa pagitan ng lalaki at ng pamilya ng babaeng personalidad nu’ng hindi pa sila ikinakasal. Naging kontrobersiyal ang isyu, pinagpistahan ng buong bayan, tungkol sa ugali ng lalaki ang reklamo ng pamilya ng aktres.

May mga bagong kuwentong lumulutang ngayon tungkol sa magkarelasyon. Sila ang pinagkukuwentuhan sa isang sosyalan kamakailan. Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin tanggap ng yayamaning pamilya ng babae si lalaki.

Kuwento ng aming source, “Ganu’n mismo ang kuwento! Kahit pala matagal na rin silang nagsasama bilang husband and wife, e, hindi pa rin tanggap ng buena familia ng girl ang husband niya!

“Nakakalungkot lang, kasi, nanindigan ang girl, talagang ipinaglaban niya ang relasyon nila ng guy. Parang okey na kasi sila nu’ng kasal, di ba? Pero may issue pa rin pala tungkol sa kanila?

“Magaling lang daw magdala ng problema ang girl, hindi niya ‘yun inilalabas, pero siyempre, may mga friends din ang pamilya na may alam tungkol sa mga nangyayari.

“Maitatago ba naman ‘yun? Natural, sa mga kuwentuhan sa mga sosyalan, e, siguradong may lalabas at lalabas na kuwento. At ‘yun nga ang istorya, hindi pa rin tanggap ng family ng girl ang son-in-law nila,” kuwento ng aming impormante.

May mga nagkomento sa umpukan ng mga yayamanin sa party na sana raw naman ay buksan na ng mga magulang ng female personality ang kanilang puso para sa piniling kasamahin at maging asawa ng kanilang anak.

“Nand’yan na nga naman ‘yan, alangan namang ipawalang-bisa nila ang kasal ng anak nila, e, nasa sobrang right age na nga. Wala na silang magagawa, pinanindigan ng anak nila ang lahat kahit pa kontra sila sa lalaki.

“Have a heart naman, di ba? Magbukas na sana sila ng puso nila para maging maayos na ang sitwasyon. Mahal na mahal ng anak nila ang manugang nila, ano pa ang magiging laban nila du’n?

“At nakikita rin naman nila na mahal na mahal nu’ng lalaki ang anak nila, nirerespeto at inaalagaan, saan pa sila lalagay nu’n?

“Please have a heart na lang!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Mahirap at mayaman pantay-pantay sa dengue

Sa panahon ngayon ay magkapantay na lang ang mayayaman at kapuspalad sa usapin ng pagkakasa­kit. Wala nang nakaliligtas sa epidemya, lahat ay puwedeng tamaan, du’n na lang nakapaparehas ang mga kapos sa sobra-sobra ang kayamanan.

Punumpuno ang mga ospital dahil sa dengue. Maruming kapaligiran na pinamamahayan ng mga lamok ang madalas ibigay na dahilan ng mga doktor kung bakit tinatamaan ng dengue ang kahit sino.

Pero paano kapag ang pasyenteng nagka-dengue ay anak-mayaman? Meron bang lamok sa kanilang tahanan ganu’ng sagana sila sa pang-spray? Naglalagi ba sila sa maruruming lugar na sinasabing teritoryo ng mga lamok na nagpapakalat ng dengue?

Ilang taon na ang nakararaan ay na-dengue ang mga anak ni Kris Aquino na sina Josh at Bimby sa magkaibang panahon. Paano natin maipaliliwanag ang sitwasyon samantalang napakalinis sa bahay at bakuran nila ng ina ng magkapatid.

Kumpleto sila sa pamatay ng lamok, spray dito spray du’n pa si Kris, bantay-sarado rin ang kanyang mga anak ng kani-kanilang yaya para huwag magpunta sa mga lugar na nagpipista ang mga lamok.

Nitong huli ay na-dengue rin si Dominique, anak nina Mr. Tony “Boy” Cojuangco at Gretchen Barretto, tulad ng mga anak ni Kris ay maaasahan din ba nating marumi ang kapaligirang iniikutan ng dalaga?

Nakakatakot pa naman ang dengue. Kapag napabayaan ay nagkakaroon ng kumplikasyon. Bagsak na bagsak na ang platelets ng pasyente ay meron pang bleeding kapag malala na.

Kapag dalawa-tatlong araw na ay hindi pa rin bumababa ang lagnat ay kailangan nang agapan ang maysakit. Wala nang pinakaligtas na lugar para sa kanila kundi ang ospital.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with