^

PSN Showbiz

Yassi nagpaliwanag sa tukaan nila ni Coco

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Yassi nagpaliwanag  sa tukaan nila ni Coco
Yassi

SEEN: Napaluha si Celine Dion sa unang gabi ng kanyang concert sa Mall of Asia Arena noong Huwebes dahil ramdam na ramdam niya ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pilipino.

SEEN: Ang primetime television series na Halik ang ipapalit ng ABS-CBN sa time­slot ng Since I Found You na magtatapos sa Augsut 11, 2018. Mga bida sina Yam Concepcion, Yen Santos, Sam Milby at Jericho Rosales sa nasabing serye na may original title na Love Will Lead You Back.

SCENE: Ipinagdiwang kahapon ni Claudine Barretto ang kanyang 39th birthday at kahapon din ang ika-45 na kaarawan ng estranged husband niya na si Raymart Santiago.

SEEN: Ang paliwanag ni Yassi Pressman na sandaling-sandali lamang ang pagbeso niya kay Coco Martin nang magkita sila sa set ng Ang Probinsyano na binigyan ng malisya ng mga nakapanood ng viral video nila.

SCENE: Banat na banat ang mukha ni Cher sa mga eksena niya sa Mama Mia, Here We Go Again pero malakas ang impact niya sa wide screen. Si Cher ang gumanap na nanay ni Meryl Streep sa Mama Mia, Here We Go Again pero mahirap paniwalaan na 72-years old na ang singer-actress na marunong mag-alaga sa katawan.

SEEN: Dumalo ang direktor na si Carlo Caparas at ang kanyang mga anak na sina CJ at Ysabelle Peach sa premiere night ng Jacqueline Comes Home sa SM City Cebu cinema noong Martes nang gabi. Si Ysabelle ang direktor ng pelikula at ang kanyang ama ang assistant director niya.

SCENE: Ang Cebu premiere ng Jacqueline Comes Home ang rare public appearance ni Carlo Caparas na ipinagluluksa pa rin ang pagkamatay noong nakaraang taon ng kanyang misis na si Donna Villa.

SEEN: May special participation sa Jacqueline Comes Home si reigning Bb.Pilipinas Grand International Eva Patalinjug. Sa tunay na buhay, pamangkin ni Donna Villa si Eva.

vuukle comment

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with