^

PSN Showbiz

Kylie nagpalit ng manager!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Kylie nagpalit ng manager!
Kylie

Hindi na pala si Betchay Vida­nes ang manager ni Kylie Padilla, nalaman namin ito sa interview kay Kylie sa press visit namin sa The Cure. Nadulas lang si Kylie na banggitin ang tungkol dito nang tanungin kung ilang years pa ang kontrata niya sa GMA Artist Center at kung co-manager ng GMAAC si Betchay.

Nadulas si Kylie at sumagot na wala na siya kay Betchay at ang GMAAC na ang solong nagma-manage sa kanya. Hindi na sinagot ni Kylie kung bakit umalis siya sa dating manager at kung kailan siya kumalas sa management nito.

Kaya kung may offer ang GMA-7 na show after ng The Cure, ang GMAAC na ang kakausapin. And speaking of next project, action pa rin ang gustong gawin ni Kylie. Na-miss niya ang fight scene noong magbuntis siya, kaya sobrang natuwa nang ipatawag para isama sa The Cure lalo’t marami siyang action at fight scenes.

I Love You Hater napako na sa P40 million

Kinontra ni Marjorie Barretto ang mga nagsasabing walang suporta ang ABS-CBN sa promo ng I Love You Hater. Tanong niya sa nag-comment, ba­kit hindi susuportahan ng ABS-CBN ang movie? Sa nag-comment naman na kaya nasabing walang suporta ang network sa movie dahil hindi pinayagang mag-guest si Kris sa shows ng network prior to the showing of the movie. “Who told you they never allowed her?” ang balik-tanong ni Marjorie, pero hindi na sumagot sa comment na marami ang may alam noon.

Sa nag-comment naman na mabuti na lang at maraming friends si Kris na sumuporta sa kanya at sa pelikula, may sagot din si Marjorie.

“Yes. We are grateful for them. But, let’s us not underestimate the support of the supporters of Joshlia. The support of Julia’s friends and family too. The same overwhelming support Joshlia got in their last 3 movies. We watched at Power Plant last night, and it was not a block screening, there were a lot of people watching. So, thanks to the casual viewers too. #satruelang.”

Walang update ang Star Cinema kung magkano na ang box-office gross ng I Love You Hater. Napako sa P40M gross ang report nila na gross ng movie sa four days of showing.

Jo Berry bida agad

Ang suwerte ng bagong Kapuso talent na si Jo Berry dahil bida na agad siya at sa primetime block pa ang time slot ng first tele­serye niya sa GMA-7 na Onanay. Isa pang malaking swerte ni Jo Berry, kasama niya at madalas pang kaeksena sina Nora Aunor at Cherie Gil.

Si Nora ang gaganap na nanay niya sa tele­serye at si Cherie ay mother-in-law. Ang daming nangangarap na makasama ang dalawang magagaling na aktres, pero si Jo, sabay pang makakatrabaho.

Isa pang suwerte ni Jo, leading man niya rito si Adrian Alandy o Luis Alandy.

Ang Onanay ang papalit sa Kambal Karibal na magtatapos sa August 3, sa Aug. 6, naman ang pilot ng Onanay sa direction ni Gina Alajar.

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with