^

PSN Showbiz

John Lloyd kuntento na sa pa-bike bike sa Cebu

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd kuntento na   sa pa-bike bike sa Cebu
John Lloyd

Kung si Andi Eigenmann ay napapasaya ng kanyang pananatili sa Baler, Quezon ng walang kasambahay at pagsakay sa tricycle, si Ellen Adarna mismo ang nag-ulat sa kanyang socmed account na masaya na si John Lloyd Cruz na mag-ikot sa Cebu nang nakabisikleta lamang.

Sa pagkain ay masaya na ito sa tortang itlog, tinapang salinas, pritong talong at danggit. O ‘di ba pati kayo ay naglalaway?

Walang dapat ipag-alala ang mga fans ng magaling na aktor na hinihintay lamang ng ABS-CBN na balikan sila pero, may ganitong balak kaya ang aktor?

Nag-i-enjoy kasi siya sa buhay niya, at andyan sina Ellen at ang bagong silang nilang anak na si Elias Modesto raw ang pangalan para gawing mas masaya  ang kanilang simple non-showbiz life.

EA at Chai masusubukan ang tambalan

Dalawa sa pinaka-aabangang pelikula sa magkasunod na filmfest na idaraos sa buwan ng August ay ang Pinoy Beauty ng Quantum Films na nagtatampok sa bagong tambalan nina Edgar Allan Guzman at Chai Fonacier. Ang isa pa ay ang Kuya Wes ni Ogie Alcasid.

Ang una ay entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino na palabas sa August 15-21, makatapos ang Cinemalaya Film Festival na mauunang ganapin sa August 3-12.

Kung sa unang pelikula ay tatangkaing itawid ng indie actress ang hangarin niyang maging beautiful, sa ikalawang movie ay isang simpleng kinakawawang empleyado lamang si Ogie na pinasasaya ng kanyang pakikipagkaibigan sa isang babaeng iniwan ng asawa. Hindi bakla ang role ni EA at magpapatawa naman si Ogie.

Ryan Bang sinusuwerte

To his credit, patuloy ang pag-unlad ng karera dito sa Pilipinas ng Koreanong si Ryan Bang. Matapos mag-klik ang launching film niya na The One That Ghost Away, pagiging sidekick ni Robin Padilla sa Sana Dalawa ang Puso at co-star nina Zanjoe Marudo at Empoy Marquez sa Kusina Kings, trending ang dance tutorial niya para sa product endorsement nila ni Luis Manzano ng Fudgee Bar.

Hindi iniiwan ni Ryan ang kanyang kapalaran sa swerte, nagsisipag siya, nagtityaga, nakikisama ng mabuti. Appreciative rin siya, isang singing contestant sa TNT ang nagpataas ng kanyang confidence nang sabihin nito na idolo siya nito.

Billy at Coleen susubok sa serious acting

Marami pa ang hindi nakakakilala kay Janine Berdin, winner ng second season ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime lalo’t hindi pa siya gaanong naggi-guest sa mga palabas ng ABS-CBN. Magbabago ito sa pagpayag niyang maipalabas sa pangunahing drama anthology ng bansa ang life story niya, sa Maalaala Mo Kaya. Siya mismo ang gaganap sa sarili niya. Confident siya na magagampanan niya ang role dahil maliit pa siya ay gusto na niyang mag-artista. Katunayan sumali siya ng Star Circle Quest nung bata siya.

Samantala this Saturday, ang mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia ang magpapa­ligsahan sa pag-arte sa MMK. First time ito ng da­lawa na sumabak sa isang heavy drama. Sino kaya sa kanila ang mas magaling mag-perform?

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with