^

PSN Showbiz

Lotlot at fiance naghahanda na sa beach wedding

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Lotlot at fiance naghahanda  na sa beach wedding
Lotlot at fiance

Tanggap na ng apat na anak ng estranged couple na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher (Monching) Gutierrez na sina Janine, Diego, Maxine at Jessica Gutierrez na malabo nang magkabalikan pa ang kanilang mga magulang lalo pa’t matagal nang may ibang karelas­yon ang kanilang ina na si Lotlot sa Lebanese businessman boyfriend nitong si Fadi (Fred) El Soury.

Na-annul man ang marriage ni Lotlot kay Monching in 2008, it was only in 2013 nang magkaroon ng panibagong karelasyon si Lotlot sa pamamagitan ng Lebanese businessman na si Fadi El Soury na ipinakilala sa kanya ng isa nilang common friend.

Pagkatapos ng limang taon at anim na buwan ay nag-propose na ng marriage si Fred kay Lotlot at ito’y nangyari sa Tagaytay at kakaiba ang na­ging proposal ni Fred sa nobya dahil kinuntsaba niya ang kitchen staff at waiter na gumawa na dessert kung saan may nakasulat na “Marry Me!” at saka ito ipinahatid kay Lotlot na sobrang nagulat at napaiyak.  Ramdam ni Lotlot na magpu-propose ang kanyang nobyo pero wala siyang alam kung kailan ito mangyayari until mag-out of town sila last Sunday.  Isang buwan na rin pala itong pinaplano ni Fred pero naisakatuparan lamang nitong nakaraang linggo.

Paghahandaan naman ng engaged couple ang kanilang December 2018 wedding na mangyayari umano sa isang beach.

Peach Caparas may next movie na agad!

Kung buhay pa sana hanggang ngayon ang yumaong well-loved actress-producer na si Donna Villa, tiyak na super proud ito sa kanyang unica hija na si Ysabelle Peach Caparas na isa nang movie director at sumunod sa yapak ng kanyang amang si Direk Carlo J. Caparas.

Si Peach ay isa nang ganap na director sa pelikulang Jacqueline Comes Home, isang real-life story ng celebrated rape and murder case ng Chiong Sisters na sina Jacqueline at Marijoy na ginampanan nina Meg Imperial at Donnalyn Bartolome.  Ang nasabing pelikula ay tinatampukan nina Joel Torre, Alma Moreno at Ryan Eigenmann at showing na sa mga sinehan simula ngayong Wednesday.

Ang dalawang anak nina Direk Carlo J. and the late Donna Villa na sina C.J. at Peach ay parehong exposed sa production works at pagpu-produce ng kanilang mga magulang kaya  ngayong wala na ang kanilang inang si Donna ay ipagpapatuloy nila ang sinimulan nito sa tulong ng kanilang amang si Direk Carlo J.

Ngayong showing na ang Jacqueline Comes Home (The Chiong Story), paghahandaan naman ni Peach ang kanyang next directorial project.

vuukle comment

LOTLOT DE LEON

RAMON CHRISTOPHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with