^

PSN Showbiz

Kaya baliw na baliw Aktres na dating wild, pinainom ng ihi ang karelasyong aktor

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nagtaka ang mga dating malapit sa isang kilalang female personality kung paano siya tinanggap at minahal ng kasalukuyan niyang karelasyong sikat na aktor. Maraming tanong na naglalaro sa kanilang isip.

Kilalang-kilala kasi nila ang babaeng personalidad sa pagiging woman of the world. Talagang nagkakalat siya lasing man o hindi, anumang magustuhan niya ay kailangan niyang makuha, lalo na sa usapin ng mga kalalakihan.

Kuwento ng aming source, “Talagang naghuhulaan ngayon ang mga dating nakakasama ng girl kung ano ang ginawa niyang paraan para ma-hook sa kanya ang boyfriend niya ngayon. Meron daw ba siyang tinimpla na ipinainom niya sa guy?

“Nagtatalo nga sila, baka raw pinainom ng girl ng dyinggel niya ‘yung lalaki. Totoo raw kasi ang ganu’n! Kapag napainom daw ng ihi ng girl ang lalaki, siguradong maghahabol sa kanya.

“E, parang ganu’n nga ang nangyayari ngayon, di ba? Talagang kapit-tuko ang guy sa kanya, ayaw siyang pakawalan, kaya baka nga raw totoo ang ritwal ng pagpapainom ng dyinggel sa lalaki!” tawa nang tawang simulang kuwento ng aming source.

Nu’n daw kasi, kapag walwal na walwal na ang girl ay talagang mahilig siyang mag-trip. Titingnan niya ang lahat ng mga boys sa bar, pagkatapos ay sasabihin niya, “Siya na! Siya na nga!”

Patuloy ng aming source, “Ganu’n lang kasimple. Pipili siya kung sino ang type niya that night, tapos, ‘yun na ‘yun! Alam kaya ng karelasyon niya ang mga ganu’ng kuwento tungkol sa girlfriend niya ngayon?

“Kilala pa naman sa pagiging conservative ang guy nu’n, di ba? Para siyang lumang tao, marami siyang ipinagbabawal sa karelasyon niya. May pagkakonserbatibo ang lalaki.

“Pero tingnan n’yo nga naman ang kapalaran, ang nakatapat niya, e, isang babaeng dating walang pakialam sa mundo. Gagawin niya ang gusto niya, walang makapagbabawal sa kanya, ganu’n siya ka-wild nu’n!

“’Yun ang puwedeng tawaging tunay na pag-ibig, di ba? Kesehodang ano pa ang girl, walang magagawa ang kahit sino, kailangang puso niya ang masunod.

“Walang ibang pakikinggan ang pusong nagmamahal, walang puwedeng manira sa mahal niya, wala siyang paniniwalaan kundi ang karelasyon lang niya.

“Sana nga, e, magtagal sila, huwag sanang pangkasalukuyan lang ang init ng pagmamahalan nila. Isinuko na ng guy pati ang hanapbuhay niya para sa girl, kaya it must be love na nga!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Reklamo ni Barbie hindi kayang dalhin sa pulis

Habang malamig ang panahon ngayon dahil sa magkasunod na bagyo ay patuloy namang umiinit ang sitwasyon sa pagitan ng dating magkarelasyong Paul Salas at Barbie Imperial.

Magulo ang sitwasyon. Nang ilantad ng magandang young actress ang mga retrato niya sa social media na may mga pasa sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ay isang pangalan lang ang naisip ng mga nakakita na nanakit sa kanya—si Paul Salas.

Walang ibang puwedeng pagdudahan dahil sila ang magkarelasyon. Lalo pang nabuhay ang bintang kay Paul nang maglitanya si Barbie na walang karapatan ang lalaki na saktan ang babae sa anumang paraan at sitwasyon.

Nagdenay ang ama ni Paul, wala raw katotohanang ang young actor ang nanakit kay Barbie, pero naglabas uli ng emosyonal na mensahe si Barbie na nagpapasalamat sa kanyang ina na palaging nakasuporta sa kanya.

Sinagot ng ina ni Barbie ang kanyang mensahe, isandaang porsiyentong suporta rin ang ibinibigay nito sa kanyang anak, kaya mas tumindi ang duda ng mga nakakabasa na totoong nagkaroon ng pagkakasakitan sa pagitan nila ni Paul.

Walang mangyayari sa puro patutsadahan lang. Salita laban sa mga salita lang ang mamamagitan. Kung totoong sinaktan nga ni Paul Salas si Barbie ay bakit hindi siya magpa-blotter?

Kailangang magkaroon ng ebidensiya si Barbie na sinaktan siya ni Paul sa pamamagitan ng isang report sa mga otoridad. Napakahalaga nu’n.

Bakit kailangang daanin sa social media ang kuwento? Bakit kailangang maglabas ng istorya sa pamamagitan ng blind item dahil hindi naman binabanggit ni Barbie kung sino ang nanakit sa kanya?

Ireport na niya sa mga otoridad ang kawalan ng hustisyang sinasabi ng mommy niya, si Paul Salas man o ibang tao ang nanakit sa kanya, ‘yun ang pinakatamang prosesong dapat unahin ni Barbie Imperial kesa sa pagsusumbong ng kanyang problema sa social media.

vuukle comment

BARBIE IMPERIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with