^

PSN Showbiz

Paul madalas din daw biktima ng pananakit ni Barbie

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Paul madalas din daw biktima ng pananakit ni Barbie
Barbie at Paul

PIK: Kaabang-abang na ang mga nagtutunggali sa The Clash.

Akala nga namin, nasaid na ang mga magagaling na singers dahil sa rami ng mga singing contest pero ang dami pa rin palang hindi nadi-discover at doon lang sa The Clash sila natagpuan.

Kaya naman involved na nang husto ang judges, lalo na ang host na si Regine Velasquez.

Pagkatapos ng episode nung Linggo, July 15 ay may mga tips siyang hindi niya deretsong maibigay sa mga contestants o clashers kaya ipinost na lang niya ito sa kanyang Twitter account.

Sabi niya; “To all the contestants choose a good song then just sing it. Don’t try to out sing your opponent.”

PAK: Mas marami ang pumuri sa katapangan ni Glaiza de Castro na naglabas ng hinaing niya sa patakaran sa taping na kung sana nagkakaltas sa talent fee kapag na-late pero kapag inabot naman ng umaga ang taping, ganun pa rin ang TF.

Tinanggal na ni Glaiza ang post niyang iyun, at nagpaliwanag siyang general opinion niya iyun at hindi tinutukoy ang taping sa Contessa.

Pero marami naman ang nagsasabi sa aming overtime talaga ang bida ng Contessa sa taping nito.

Nabibiro na nga raw itong nakakasabay niya sa pagdating sa set ang tent at generator, at nakakasabay pa rin niya ito pag-pack up.

Si Glaiza na nga ang madalas na magbukas at magsara ng taping ng Contessa.

Wala naman daw naririnig na reklamo sa Kapuso actress.

BOOM: Lumalaki na ang usapin sa isyung break-up nina Paul Salas at Barbie Imperial. Hindi pa yata sila umaamin in public na na­ging sila, pero naging isyu ang break-up dahil sa ipinost ni Barbie na may mga galos at pasa siya sa katawan. Kasama na rin doon ang ipinost niya tungkol sa physical abuse.

Nag-react ang mga magulang ni Paul na naging close rin naman kay Barbie, pero ayaw nang magsalita ng young actor.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, maraming alam ang common friends ng magkasintahan kung paano sila mag-away.

Minsan nga raw sa isang birthday party, nasaksihan mismo ng ilang kaibigan ang pagsampal ni Barbie kay Paul.

Nakialam na raw ang mga kaibigan na mag-usap sila pero hindi yata naging maganda ang pag-uusap kaya umabot na sa hiwalayan.

Silang dalawa lang daw ang nag-usap sa loob ng kotse, pero ang ending, nagulat na lang ang mga tao sa labas ng kotse na narinig nilang nagsisigaw na si Paul at umiiyak.

Kinulit-kulit nga namin ang handler ni Paul na hingan namin ng pahayag ang young actor pero tumatanggi itong magsalita. Ayaw na lang niyang magsalita ng tungkol sa sampalan at ang madalas daw na pagdadrama ni Barbie na kunwari sinasaktan siya ni Paul at lagi niya itong tinatakot na isusumbong siya sa pulis.

Ayaw na raw kasi ni Paul na lumaki pa ito, dahil sa ganitong isyu, madalas na dehado ang lalaki. Sa babae madalas ang simpatiya kahit ang lalaki pa ang naaapi.

Sabi ng ilang taong nakaalam sa buong pangyayari, ayaw daw talagang magsalita ni Paul dahil makakasakit lang daw siya ng ibang tao lalo na si Barbie na naging mahalaga rin naman sa kanya.

Magbibigay ng statement ang management group ni Paul, ang PPL at GMA Artist Center, pero sa ngayon ay mas mabuting manahimik na lang daw muna.

vuukle comment

BARBIE IMPERIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with