^

PSN Showbiz

Anne emo sa New York

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Anne emo sa New York
Anne

PIK: Excited ang Korean singer/actor na si Alexander Lee na bumalik ng bansa dahil talagang na-miss daw niya ang trabaho niya rito nung ginawa niya ang My Korean Ja­giya nila ni Heart Evangelista.

This time, magpu-promote si Alexander ng single niyang Keep Ya Head Up na kung saan nakipag-collaborate siya sa isa ring Korean singer/songwriter na si Marucci, na tinawag nilang AXM o Alexander X Marucci ang pagsasama nila.

Tuwang-tuwa si Alexander pagbalik niya rito dahil bukod sa promo ng single, may TV guestings pa siya kagaya nang appearance niya sa Daig Kayo ng Lola Ko na ilang linggo yata itong mapapanood. Kasama rito ni Alexander si Maine Mendoza na talagang sinuportahan ng fans ang pagsisimula nung nakaraang Linggo.

Masayang kinuwento ni Alexander na ibang experience din daw na makasama si Maine. Nagulat daw siyang napakabait at napaka-down to earth daw ni Maine.

“At first I was like worried, you know she’s a phenomenal star...she might be mayabang or whatever. But when I saw her she’s like so down to earth, she’s very nice, very friendly. She’s very easy to work with,” pakli ni Alexander.

Sa ngayon ay aligaga muna siya sa promo ng bagong single niya, pero kung may plano raw ang GMA 7 na bigyan siya ng bagong soap o anong programa, gustung-gusto raw niyang magtrabaho uli sa Kapuso network.

PAK: Congratulations kay Mike Tan at sa asawa niya dahil magkakaroon na sila ng baby.

Kahapon lang ipinost ng Kapuso actor ang masa­yang announcement na nagdadalangtao ang kanyang asawang si Cris.

Twenty weeks na raw itong buntis at feeling daw ni Mike, baby girl ang ipinagbubuntis ng kanyang misis.

Lalong na-inspire ang bida ng Hindi Ko Kayang Iwan na magtrabaho dahil magkakaroon na ng dagdag na miyembro ng pamilya.

Sa ngayon ay super alaga raw niya ang asawa niya dahil sa kalagayan nito, “Kaya PA, driver, cook niya ako ngayon,” pakli ni Mike.

Samantala, nakumpirma rin namin sa isang kilalang aktor na nagdadalangtao na rin ang misis niya. Ayaw lang daw muna niyang i-announce dahil medyo maselan pa raw ang kalagayan. Kapag okay na okay na raw ito, kaagad daw niya itong i-announce sa lahat na magkakaroon na siya uli ng bagong baby.

BOOM: Emotional si Anne Curtis pagkatapos ng screening ng pelikula niyang BuyBust na nagkaroon ng World Premiere sa ginaganap na New York Asian Film Festival.

Linggo ng gabi sa New York ang screening at talagang punung-puno ang SVA Theatre na pinagdausan ng premiere night. Ang aga raw na-sold out ang tickets.

Ayon sa aming source, alas-tres pa lang ng hapon, mahaba na raw ang pila, at ang dami pa raw na hindi nakapasok dahil ayaw na raw ng theater na magbenta ng additional tickets.

Pagkatapos ng movie ay humarap sila sa open forum at hindi napigilan ni Anne na maiyak nang magsalita na ito.

Sulit na sulit daw kasi ang lahat ng hirap niya sa pelikulang ito. First time niya kasing mapasabak sa ganito ka-aksyon na pelikula at pinuri siya ng mga nanood.

“I guess that’s why I am so emotional. When you finally see of a hard work come to life and piece together, with the music and everything it’s just so overwhelming to see of a hard work and how…it’s awesome. Thank you direk!”pahayag ni Anne.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with