^

PSN Showbiz

Erwan excited para sa asawa

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Erwan excited  para sa asawa
Erwan

Hindi lamang ang mga manonood ang excited na mapanood ang BuyBust ni Anne Curtis kung hindi lalo na ang mister nitong si Erwan Heussaff. Katunayan ay inayos ng mister ni Anne ang napakahigpit nitong schedule para maging libre siya ng isang araw para makasama ni wifey na dumalo sa premier night ng movie nito. 

Gusto niyang ma-sight ang pelikula na halos nagbuwis-buhay si Anne at makita ang sinasabing husay nito sa paggawa ng mga action scenes. Tama lang siguro na hindi pa sila nagkaka-baby dahil hindi makakagawa si Anne ng ganun kapisikal na movie.

Anne, Erich, at Cristine nag-aagawan sa title

Wala mang naririnig o nababalitaan about Jean Garcia lately, hindi ibig sabihin ay namamahinga na siya sa paggawa ng movie at nagko-concentrate na lamang sa pagiging isang entrepreneur. May movie siya, ang Watch Me Kill at entry sa ginaganap ngayong Bucheon International Fantastic Film Festival. So tatlu-tatlo na pala sila nina Anne at Erich Gonzales na luminya na sa action at nagtatangkang maging reyna ng ganitong genre ng pelikula. At mas dadami pa sila dahil balak din ng Viva na pagbidahin din si Cristine Reyes sa isang action film na may pamagat na Maria. Sa palagay niyo, sino sa kanilang apat ang mas karapat-dapat maging bagong action queen?

Cinemalaya  matatag

Ang ganda ng poster ng Cinemalaya 2018. Bagay sa tinatayang pinaka-popular na independent film festival. Nasa ika-14th year na nito at magaga­nap sa August 3-12 sa mga sinehan ng CCP at piling Ayala cinemas. Pinamumunuan ito ni Laurice Guillen bilang foundation chairman at Chris Millado, festival director. Sa kabila ng pang-ookray ng ilang mga PRO ng ilang mga promoter ng indie filmfests, Cinemalaya has remained steadfast in its quest for excellent indie films.

Barbie dapat pangalanan ang nanakit sa kanya

Sana pangalanan na ni Barbie Imperial ang taong nambugbog at nanakit sa kanya. Para naman kung hindi si Paul Salas ito ay ma-spare naman ito sa mga mga bashings ng netizen. 

Pero, kung ang young actor nga ang culprit, shame on him! Walang babae ang deserving ng ganitong pananakit, may kasalanan man siya dito o wala. Naiintindihan ko ang pagkampi kay Paul ng mga nagmamalasakit sa kanya pero, again, ‘di justified ang pananakit nito ng isang babae.

vuukle comment

ANNE CURTIS

ERWAN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with