^

PSN Showbiz

Female personality aligagang ibenta Ang bahay para ipambayad utang!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Putol na ang pisi

Dalawang popular na babaeng personalidad ang abalang-abala ngayon sa paghahanap ng bibili ng kanilang bahay. Si Female Personality A ay masyadong nalalakihan sa ipinatayo niyang bahay.

Hindi na raw sila halos nagkikita-kita ng kanyang mga anak, kaya gusto niyang ibenta na ang kanyang mansiyon at bibili na lang siya ng bahay na mas maliit para sa kanilang mag-iina, kakalug-kalog kasi sila sa tinitirhan nila ngayon.

‘Yun ang dahilan kung bakit naghahanap siya ng puwedeng bumili sa kanyang mansiyon na nasa isang kilalang subdivision ng mga yayamanin. Walang ibang dahilan, ang napakalaking espasyo lang ng bahay ang problema, walang katotohanan ang lumabas na kuwentong maghihiwalay na sila ng kanyang karelasyon.

Mas matindi ang problema ni Female Personality B, kailangang-kailangan niyang ibenta ang kanyang bahay para maipambayad niya sa kanyang mga pagkakautang, binubulabog na siya ng mga taong inabala niya nu’n.

Kuwento ng aming source, “Naputol na ang pisi ng pasensiya ng mga pinagkakautangan niya. Puro pangako lang naman kasi siya, pero hindi naman siya nakakatupad, OPM Queen na nga ang tawag sa kanya ng mga maniningil niya.

“Kapag nakakausap siya, ang palagi niyang isinasangkalan, e, ang ibinebenta niyang property. Pero ilang taon na niyang sinasabi ‘yun, naghihintay pa rin hanggang ngayon ang mga taong kahit madaling-araw nu’n, e, napaglalabas niya ng datung para sa mga pangangailangan niya!

“Wala naman kasi siyang ibang maaasahan kundi ang pagbebentahan ng sinasabi niyang property. Nagkakaedad na siya, wala na siyang masyadong projects, kaya hindi niya maipapangako ang talent fee niya para makapagbayad siya.

“Tapos na ang panahong parang namumulot lang siya ng datung dahil very much in-demand siya,” nakataas ang kilay na kuwento ng aming impormante.

Pero ngayon ay kailangan nang ibenta ng female personality ang kanyang bahay. Nagbabanta na ng demanda ang kanyang mga pinagkakautangan.

“Mas malaking problema kapag idenemanda siya, di ba? Wasak ang name niya, puro kahihiyan ang aabutin niya. Ayaw niya siyempre ng ganu’n dahil mataas ang pride niya!

“Sabi nga ng isang source na nakakaalam ng kuwento tungkol sa ibinebenta niyang bahay, e, idispatsa na niya ‘yun nang magkaroon siya ng peace of mind, tutal naman, e, wala siyang puhunan sa house na ‘yun!

“Mismo! Hindi naman pala siya ang gumastos du’n. Ang ex daw niya na super-yaman ang nagpatayo ng balaysung na ‘yun, kaya sige na, ibenta na niya ang property para tantanan na siya ng mga Manilyn (read: maniningil) niya!” pagtatapos ng ­aming source.

Ubos! 

Vice hindi pinagsasawaang ulam 

Masarap na ulam sa pananghalian ang mga jokes na ibinabato ni Vice Ganda sa It’s Showtime. Dalawang senaryo ang puwedeng mangyari habang pinanonood mo ang sikat na komedyante-TV host.

Puwedeng mas ganahan ka pang kumain dahil ang sarap-sarap niyang panoorin, pero puwede rin namang makalimutan mo na ang pagsubo, dahil sa sobrang pagkaaliw sa kanyang mga jokes.

Napakayaman kasi sa karanasan ni Vice Ganda. Ang kanyang payak na kabataan sa kanilang lugar sa Sta. Cruz, Manila ay nagagamit niya sa entablado. Napakarami niyang kuwento, ang dami-dami niyang alam, na kinaaaliwan naman ng ating mga kababayan.

Ang kaibigan naming si Vangie Caperal Ale­emi na ilang dekada nang nani­nirahan sa Virginia, USA ay de-primerang tagahanga ni Vice Ganda. Tulad ni Willie Revillame ay gamot nito sa kabagutan sa buhay-Amerika ang komedyante.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimutan ni Vangie ang isang kuwento ni Vice sa It’s Showtime, ang sa halip na magbayad ng konsumo nila sa kur­yente ay ipinambili niya ng raffle ticket ang ibinigay na pera ng kanyang ama, binugbog daw siya ng tatay niya nang malaman ‘yun.

Sabi ni Vice, “Kinabukasan, may pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay namin,” na siningitan naman ni Vhong Navarro ng, “Nanalo ka sa raffle?”

“Hindi, nandu’n na ang mga tauhan ng Meralco, pinuputulan na kami ng ilaw!” Pero may kambiyo pa siya, “Pero mabilis ding naikabit uli ang ilaw namin, may mga kaibigan akong tumulong!”Sabi ni Vhong, “Naku, bawal ‘yun! Mali ‘yun!”

Balik agad ni Vice Ganda, “Alam ko! Bawal ‘yun, pero nangyayari!”Kapag may ginagawa raw ang bestfriend naming si Vangie ay tumatawa ito nang palihim dahil kay Vice Ganda.

Nagtataka raw ang kanyang banyagang mister kung bakit, pero ang simple lang na tugon ng aming kaibigan, “I just can’t help it. There’s this famous comedian in the Philippines who always makes me laugh!”

Oo nga naman. Gamot si Vice Ganda sa kalungkutan na hindi nabibili sa mga botika.

vuukle comment

IT’S SHOWTIME

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with