^

PSN Showbiz

Kathniel may panggulat na ginagawa sa Amsterdam

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kathniel may panggulat   na ginagawa sa Amsterdam

Kasalukuyang nasa Amsterdam, Netherlands ngayon sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para sa shooting ng pelikulang The Hows of Us.

Gagampanan ng KathNiel ang karakter nina Primo at George sa bagong pelikulang ito ni Cathy Garcia-Molina. “’Yung istorya ‘yon ang una. Nang nabasa namin ang buong script lahat, ang ganda ng concept talaga. And parang confident kami sa materyal na binigay sa amin na ito. Ang challenge lang kung paano namin bibigyang buhay ang mga characters namin dito,” bungad ni Kathryn.

Kinailangan pa raw ibalik ni Daniel ang dati nitong itsura para sa nasabing pelikula. “For this character lang para maiba kasi ang tagal na rin natin sa gano’n ang itsura. At refreshing ang ibinigay sa amin na materyal. Talagang ang sarap niya gawin, very real at abot natin lahat. Ipapakita natin ‘yung ganda ng Netherlands pero at the same time, bibigyan natin ng kulay kung bakit kami nandoon ni Kathryn,” pagbabahagi ni Daniel.

May bulung-bulungan na mas matindi ang gagawing kissing scenes nina Kathryn at Daniel sa pelikulang ito na siguradong ikagugulat ng kanilang mga tagahanga. “Meron naman na dati, siguro di nila maabangan ang kissing scene dito. Hindi n’yo malalaman kung kailan siya dadating, gulat factor! At di siya ang ‘eto na’ moment na halikan na gano’n, hinding-hindi. Talagang totoong-totoo, natural ang mga binigay namin,” natatawang pahayag ni Daniel. “Basta hindi lang kissing scene ang aabangan nila dito,” giit ni Kathryn. Walong araw na mananatili sa Netherlands ang dalawa at kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw makapasyal doon. “Sana, gusto namin ‘yung kay Anne Frank din. Marami daw maganda. Pati Cheese Factory, pinuntahan ko ‘yan before. Gusto ko makita ni DJ ‘yan,” nakangiting pahayag ni Kathryn.

Sue gusto nang bumalik sa dating mundo

Kamakailan ay mainit na pinag-usapan ng netizens sa social media ang tungkol sa pagkakaroon ng maikling buhok ni Sue Ramirez. May ilang mga nagsabi na posibleng tomboy o brokenhearted diumano ang aktres dahil sa bagong itsura nito. Para kay Sue ay mas mabuti na minsan kung walang access sa social media para maiwasan ang mga ganitong isyu. “It’s nice to stay away from social media, stay away sa online world and go back to the world that we live in talaga. Walang fake news, wala ka mababasa na fake accounts, walang bashers. ‘Yung mga tao lang na nagmamahal talaga sa iyo parang ang sarap n’ya balikan,” paliwanag ni Sue.

Ayon sa aktres ay isa lamang naman ang dahilan kung bakit siya nagpaikli ng buhok. “Patay na po ang buhok ko sa kakaplantsa, kakukulot. Hindi na kayang buhayin ng treatment. So kabaong na lang po ang kulang sa kanya. Kaya napagdesisyunan ko po na matagal ko na gusto magpagupit, na magpa-pixie cut,” pagdedetalye ng aktres.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with