^

PSN Showbiz

Aktres bidang-bida sa mga nabiktima ng lovelife

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Patay kang bata ka! Maingay na pinag-uusapan ngayon ang pagsasanib-puwersa ng dalawang babae kontra sa isang female personality na kontrobersiyal ngayon dahil sa kanyang lovelife.

?Sa kung anong paraan at dahilan ay naging magkaibigan ang isang kilalang babaeng personalidad at ang non-showbiz girl na sinasabing inagawan ng karelasyon ng female personality.

?Kuwento ng aming source, “E, di ba, they have something in common? Parehong-pareho ang naging karanasan nila sa female personality na hanggang ngayon, e, nagdedenay na nang-agaw siya ng karelasyon ng may karelasyon?

?“E, di nga ba, hindi pa naman pormal na naghihiwalay nu’n ang kilalang female personality at ang husband niyang actor, pero umentra na sa eksena si female personality?

?“Wala raw siyang kasalanan, sinabi kuno sa kanya ng guy na hiwalay na sila ng wife niya, kaya naniwala naman siya. ‘Yun pala, e, nagkakalabuan lang ang mag-asawa, hindi pa hiwalay, pero may-I-enter na siya sa eksena,” pagbabalik sa nakaraan ng aming source.

?May duda ang marami na ang nagtulay para maging close ang kilalang female personality at ang non-showbiz girl ay isang singer-actress na kaibigan din ng naagawan ng karelasyon.

?Patuloy ng aming impormante, “Di ba, magkaibigan ‘yung singer-actress, saka ang popular na female personality? E, kaibigan ng singer-actress ang girl, kaya nagkaroon din ng chance na maging magkaibigan ang dalawa!

?“’Yun na! Natural, kapag magkakasama sila, e, sino pa ba ang main topic nila? Walang iba kundi ang female personality na nagsabi pang wala raw siyang dapat ipaliwanag, hindi raw siya nang-agaw ng karelasyon, ganu’n!

?“Si kilalang female personality at ‘yung nang-agaw kuno ng boyfriend, e, may dalawang episodes tungkol sa lovelife nila. Inagawan siya ng husband nu’ng una, pero nu’ng ikalawa naman, ang ex niya, e, sinalo ng controversial girl!

?“Nakakaloka! Napakaliit nga naman ng mundo, kung totoong nakapuputol ng dila kapag pinag-uusapan ang isang tao, e, siguradong pipi na ngayon ang nang-agaw kunong girl dahil siya ang palaging topic ng mga babaeng nakaagawan niya sa pag-ibig!” napapailing pang kuwento ng aming source.

?Ubos!

Mommy Dionisia nagsimula nang magdasal para sa laban ni Pacman

Nakapagpa-load na kami kay Japs Gersin sa Cignal ng nalalapit na salpukan ng ating Pambansang Kamao at ni Lucas Matthysse.

?Pag-aagawan nila ang kampeonato sa WBA Welterweight Division, mapapanood ang kanilang upakan sa Linggo nang umaga, July 15. Mara­ming kababayan na natin ang lumipad sa Malaysia para suportahan si Senador Manny Pacquiao.

?Nandu’n na rin ang buong pamilya ni Pacman, magkakasamang dumating si Jinkee at ang kanilang mga anak, hiwalay naman ang flight ni Mommy Dionisia.

?Buung-buo siyempre ang kanilang paniniwala na mapapanagumpayan ng Pambansang Kamao ang pagtutuos nila ni Matthysse, lalo na si Mommy Dionisia, na may hiling sa kanyang boksingerong anak.

?“Ang sabi ko kay Manny, payagan niya lang akong hawakan siya sa ulo para maipagdasal ko siya. Malaki ang nagagawa ng dasal ng ina sa anak niya. Kunsabagay, madasalin naman si Manny, matindi ang paniniwala niya sa ating Panginoon,” hiling ni Mommy Dionisia.

?Maraming pulitiko na rin natin ang nakahandang sumuporta kay Pacman, nilinaw nila na sariling pera nila ang gagastusin sa pagpunta sa Malaysia, hindi pera ng ating bayan.

?Darating din sa laban ng Pambansang Kamao si Pangulong Rodrigo Duterte na kaalyado niya sa pulitika, pero ayon sa kampo ng pangulo, isisi­ngit lang nito ang panonood sa laban ng ating pride dahil ang totoong dahilan ng kanyang pagpunta sa Malaysia ay ang pakikipagmiting sa tagapamuno ng naturang bansa para sa ating mga OFW.

?Maluwag na naman ang mga kalye sa Linggo nang umaga, magbabakasyon na naman muna pansamantala ang mga mandurukot at agaw-cellphone, dahil tututukan din ng mga ito ang pakikipagsukatan ng lakas ng Pambansang Kamao.

?Harinawang sa kabila ng kanyang edad ay maiuwi pa rin ni Senador Manny Pacquiao ang sinturon ng tagumpay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with