^

PSN Showbiz

Iza naloloka sa paghahanda sa kasal

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Iza naloloka  sa paghahanda sa kasal
Iza

Abala na ngayon si Iza Calzado sa paghahanda para sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib ng kasintahang si Ben Wintle. “Pwede n’yong sabihin na my wedding is still on as of today. Kasi suot ko pa ang singsing. May magaganap na wedding sometime this year,” nakangiting bungad ni Iza.

Para sa aktres ay mahirap ang ginagawa nilang paghahanda ni Ben lalo pa’t kinailangan nilang magpalit bigla ng venue. Kaya malaki ang papasalamat ng magkasintahan sa kanilang wedding coordinator na siyang punong abala sa paghahanda ng lahat ng kailangan para sa nalalapit na kasal.

“Nakakaloka, it’s so hard. Only because you can’t invite everybody sa first leg because of its location that does not permit for more guests. So we might probably do a Manila wedding. My coordinator, my god, mamamatay na ako kung wala akong coordinator. Hindi n’yo na ako makakausap,” paliwanag ni Iza.

Samantala, kahit mag-aasawa na ay itutuloy pa rin daw ng aktres ang kanyang mga trabaho. Isang bagong teleserye ang gagawin ni Iza na pagbibidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

“I cannot commit to more than two projects at one time especially when the soap starts airing. Hindi ko alam kung pwede sabihin ang working title basta ‘yung soap with Julia and Joshua,” pagbabahagi ng aktres.

Coco nilinis ang script  para kay Maine

Masayang-masaya si Coco Martin dahil natupad na ang pangarap na makasama si Vic Sotto sa isang pelikula. Magbibida ang dalawa sa isang malaking pelikula para sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018.

“Talagang pangarap ko na makatrabaho si Bossing Vic. Masaya kasi nagko-collaborate kami, nagtutulungan talaga kami para ayusin at pagandahin ang pelikula,” pahayag ni Coco.

Sinisiguro ng aktor na talagang maganda ang bagong pelikula kaya sulit umano ang ibabayad ng mga tagahanga sa sinehan para rito.

“Minsan ang mga Pilipino ngayon, isang beses na lang manood ng pelikula sa isang taon dahil medyo mahirap ang buhay, kaya kailangan sulitin natin. Dati kasi ang tingin ng mga tao dito, labanan. Ako naman binaligtad ko ‘yung mindset ko. Sabi ko, ito ‘yung mga magtutulung-tulong para bigyan ng magandang pelikula ang mga Pilipino sa darating na kapaskuhan. Tanggalin na natin ‘yung idea ng magkalaban o naglalaban. Sa digital nga, collaboration. Nagtutulungan ang bawat artista, direktor. I think doon na tayo papunta. Ang importante naman ay pagandahin ang bawat proyekto,” paliwanag ni Coco.

Bukod kay Vic ay pinapangarap din ng aktor na makasama sa isang proyekto si Maine Mendoza. “Isa siya sa mga pangarap kong makatrabaho dating-dati pa. Kasi feeling ko pareho kami, parehong masa. Gusto ko kasi malinis na malinis ‘yung script bago ipasa sa kanila. Baka mamaya hindi magustuhan, nakakahiya,” pagtatapat ni Coco.

vuukle comment

IZA CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with