^

PSN Showbiz

Elmo sineryoso ang pagsusulat ng kanta

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Elmo sineryoso ang pagsusulat ng kanta
Elmo

Dalawang taon na ang nakalilipas nang huling maglabas ng album si Elmo Magalona. Ngayon ay isang bagong album na ang pinaghahandaan ng aktor. “I’m working on my album. So there’s new music coming for this year. It’s under Universal Records, but the new thing about this album is I’ll be writing most of the songs. Kasi for my first album hindi ko siya nabigyan ng creative writing but for this one I’m definitely going to be writing it. Actually it’s not going to be one whole album. Pa-single, single lang siya,” pagbabahagi ni Elmo.

Ayon pa sa binata ay iba-ibang klase ng musika ang mapapakinggan ng mga tagahanga sa kanyang bagong gagawing mga kanta. “Kasi I don’t want to be known for just one kind of sound. I want to try different kinds of sound, that’s what I’m going to be showing for my album. Mapapaisip kayo at magi­ging malungkot kayo, joke lang. Not emo pero I guess I try to make it relatable. Kasi most of the things that I’ll write will be some of my personal experiences,” pagdedetalye ng aktor.

Para kay Elmo ay malaki ang naging impluwensya sa kanya ng namayapang amang si Francis Magalona pagdating sa paglikha ng mga kanta. “Of course malaking influence talaga ‘yung dad ko in terms of my music and me as a performer talaga. Pero I try to make my own sound din para lang ma-differentiate. Para maging distinct ‘yung songs ko and ‘yung music ko,” pagtatapos niya.

Jericho makikipag-agawan kay Sam

Isa si Jericho Rosales sa espesyal na panauhin ng Aegis para sa kanilang 20th anniversary concert na gaganapin sa Araneta Coliseum ngayong Biyernes. Aminado ang aktor na matagal na niyang hinahangaan ang sikat na banda at ang mga kanta nito. “Masaya, actually kahit nakaupo lang ako listening to them live, hanep,” bungad ni Jericho.

Malapit nang mapanood sa Kapamilya network ang teleseryeng Halik na pinagbibidahan nina Jericho, Yen Santos at Sam Milby. Ang kantang Halik din ng Aegis ang magiging theme song ng nasabing serye. “Yes, I told them nga na maraming salamat kasi pinahiram nila ‘yung song nila sa TV show namin. Kasi ‘yon din ang title ng show namin, Halik,” nakangiting pahayag ng aktor.

Ayon kay Jericho ay talagang kaabang-abang ang kanilang bagong soap opera dahil maganda ang kwento nito. “It’s a great show. Parang first time naming magkakasama ni Sam. It’s a story of dalawang mag-asawa na nagkabuhol-buhol ang buhay nila. Abangan, hindi ko muna sasabihin lahat but I’m excited about it,” pagbabahagi ni Jericho.

vuukle comment

ELMO MAGALONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with