^

PSN Showbiz

Elmo at Janella tuluyan nang pinaghiwalay!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Elmo at Janella   tuluyan nang pinaghiwalay!
Elnella

Pwede nang mag-alala ng mga supporter ng ElNella dahil dumarami na ang mga project na ginagawang magkahiwalay nina Elmo Magalona at Janella Salvador. At waring hindi apektado ang loveteam sa ginagawang paghihiwalay sa kanila. Kumikita ang mga separate project nila. Hindi rin nababawasan ang effectivity nila bilang artista. Magaling si Janella sa pinakahuling paglabas niya sa Maalaala Mo Kaya na kung saan ay napasabak siya ng akting kina Tirso Cruz III at Assunta de Rossi. To her credit, ‘di nila siya napag-iwanan. Salamat sa mahusay na pagga­bay ni direk Raz dela Torre. Ganun din si Elmo sa Walwal, nagawa niyang makipagsabayan sa apat niyang kasamahang bagets. Sa ganitong sitwasyon kundi tuluyang maghiwalay ng dalawa ay baka kumaunti ang projects nila bilang loveteam. Tsk. Tsk. Tsk.

Ogie bihasa na sa mga ginagawa

Hindi first time ni Ogie Alcasid na gumawa ng pelikula. Bago siya sumikat nang husto bilang singer ay nakagawa na rin siya ng ilang movies na pawang comedy. Ngayon sa ika-30 taon ng pagiging singer niya ay nabigyan siyang muli ng isang pelikula na lahok sa Cinemalaya Film Festival 2018, ang Kuya Wes na bagaman at seryoso ang kuwento ay mas nakakatawa ang mga magiging sitwasyon.

Sa cast pa lamang ay obvious na nakakatawa ang movie – MJ Lastimosa, Moi Bien, Alex Medina, at Ina Raymundo. Hindi naman drama actor ang singer, mas kilala siyang komedyante. Ito ay mas mamamalas sa kanya ng lahat sa kanyang OA concert sa August 24 sa Araneta Coliseum na magsisilbing selebrasyon ng kanyang 30th anniversary sa showbiz. 

Binondo… maraming pinaiyak

Napasabak naman ako sa iyakan sa pagpanood ko ng Binondo, A Tsinoy Musical, nakalimutan ko agad ang inis na naramdaman ko sa mahigit sa dala­wang oras na traffic na sinuong naming mag-ina para makarating ng Solaire. Tapos, inabot pa rin kami ng siyam-siyam na pagri-rigodon para mahanap ang The Theater. But it’s all worth it, magagaling yung mga gumanap na sina Shiela Valderrama-Valdez, Arman Ferrer, Noel Rayos, Mariella Laurel, Ashlee Factor, Ima Castro, ang buong ensemble.

I was hoping na mapanood ang anak ni Dulce na si David Ezra pero, sa 8 pm siya naka-sked kapartner ni Carla Guevara-Laforteza. Magaling na naidirek ni Joel Lamangan ang play na ginawan ng kuwento ni Ricky Lee. Salamat sa pangigimbita ng isa sa mga publicist ng musical na si Mell Navarro.

Mariel papasang komedyante

Mariel Rodriguez-Padilla might still turn out to be a better comedienne na hindi inaasahan ng marami. Bagaman may mga hindi natatawa sa mga pinaggagagawa niya sa It’s Showtime, marami ang nakaka-appreciate ng kanyang sinserong effort na makapagpasaya ng mga manonood. Ito ang kinagigiliwan sa kanya ng manonood, ang nagpapamahal sa kanya sa kanila.

vuukle comment

ELMO MAGALONA

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with