^

PSN Showbiz

Rhian break na sa racer-businessman na dyowa

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Rhian break na sa racer-businessman na dyowa
Rhian

Walang swerte sa lovelife

Alam mo, Salve A., it seems na tila walang suwerte sa pag-ibig ang 27-year-old Kapuso star na si Rhian Ramos dahil halos lahat ng kanyang nakakarelasyon either from showbiz or non-showbiz ay nauuwi lahat sa hiwalayan.

Ang buong akala ng marami ay mauuwi na sa altar ang relasyon ni Rhian sa kanyang non-showbiz boyfriend, ang Filipino-Chinese racer-businessman na si Jason Choachuy lalo pa’t tumatagal ng mahigit tatlong taon ang kanilang naging relasyon. Pero tulad ng mga naunang relasyon ni Rhian ay nauwi rin ito sa hiwalayan.

Bago si Jason ay nagkaroon ng controversial relationship si Rhian kay DJ Mo Twister at sa ex-husband ni Geneva Cruz na si KC Montero na engaged na ngayon sa kanyang Fil-Kiwi beau­ty queen-model fiancée na si Ste­phanie Dods.

Sa ngayon, gusto muna ni Rhian na ipahinga ang kanyang pu­so at mag-focus muna sa kanyang career bilang actress-TV host.

Ellen at JLC mamumuhunan  na ng bahay sa Cebu

Hangga’t patuloy sa pagiging evasive sa media at sa publiko ng celebrity couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, hindi sila magiging kumportable sa public places na kanilang pupuntahan kahit gusto nilang magpaka-pribado dahil pareho silang kilalang celebrities.

Although walang kumpirmasyon na nagmumula kina John Llloyd at Ellen at maging sa kanilang kampo na may kinalaman sa pagsilang ng kanilang first born na isang baby boy last June 27 sa Chong Hua Hospital na matatagpuan sa Don Mariano Cui St., Fuente Osmena in Cebu City, marami pa rin ang nakaalam nito. 

Maging ang pamimili ni JLC ng baby stroller and baby car seat ay hindi rin nakaligtas sa kaalaman ng publiko.

Mukhang tempora­rily settled nga­yon sa Cebu sina JLC at Ellen lalo pa’t hometown ito ng huli. May balita pa nga na bibili umano ng bahay ang celebrity couple sa nasabing siyudad.

It’s been over nine months magmula nang humingi ng indefinite leave of absence (from showbiz) si JLC sa kanyang mother studio, ang ABS-CBN kung saan din Kapamilya si Ellen.

Mukhang ini-enjoy pa nina JLC at Ellen ang kanila buhay sa labas ng showbiz lalo na’t meron na silang bagong karagdagan sa kanilang binubuong pamilya.

Manalamin muna  bago manira ng kapwa…

Alam mo, Salve A., totoo ang kasabihan na may dalawang ‘mukha’ ang showbiz, may totoong tao at may hindi totoo at nagkalat ito hindi lamang sa showbiz kundi maging sa lahat ng sektor ng ating lipunan.

I have been in this industry for four decades at nakasa­lamuha ko na yata ang lahat ng klase ng tao.

Since wala naman tayong inagrabyadong tao at marunong tayong makipag-kapwa tao at makisama, taas-noo nating mahaharap ang kahit na sino.  Pero sa ka­bila pala ng ginawa mong pakikisama sa iyong kapwa ay kaya pala itong palitan at suklian ng masama lalo na ng mga taong itinu­ring mong kaibigan. Kung ano ang saya nilang kasama ay para palang sibat sa talikuran.

Salve A., maniwala ka, mara­ming La Traidora sa showbiz. Ang inaakala mong kaibigan ay kaya ka palang tuklawin anumang oras nilang naisin.  Pero ang demonyo ay hindi kayang daigin ang kapangyarihan ng Diyos. Bukod sa Diyos, isa rin akong firm believer ng ‘law of karma’.  Naniniwala rin ako na lahat ng bagay dito sa mundo ay hiram lang natin lahat sa Panginoon at anumang oras na gusto Niyang bawiin at magagawa Niya regardless of your status sa lipunan.

Sana, manalamin muna kayo at tingnan ninyo ang inyong mga sarili bago kayo manira sa inyong kapwa.

Totoo rin ang kasabihan na walang permanenteng bagay dito sa mundo at madalas na binibigyang halaga ng ibang tao ay ang kanilang vested interest kesehodang manira at manapak sila ng ibang tao.

Sana pareho kayong masaya at nakakatulog ng mahimbing sa inyong pagtulog knowing fully well na nag-i-enjoy kayo kapag may mga tao kayong sinisira.

vuukle comment

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with