^

PSN Showbiz

Aktor na pinagpalit din ng gf sa tomboy, relate na relate kay Sam

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Aktor na pinagpalit din ng gf  sa tomboy, relate na relate kay Sam
Sam

PIK: Maganda ang feedback sa pagsisimula ng The Clash nung nakaraang Sabado hanggang Linggo.

Nag-trending sa Twitter itong bagong reality competition show ni Regine Velasquez-Alcasid na may hashtag #TheFirstClash.

Nung Sabado pa lang, maganda na ang feedback at tuluy-tuloy na hanggang Linggo.

Ang kaibahan pa nitong The Clash, first time lang ito ginawa ng GMA Entertainment na naka-simultaneous broadcast sa Facebook at YouTube. Maganda ang kinalabasan ng bagong innovation na iyun.

Kaya kung sa labas ka na walang TV na mapanooran, magkakaron ka pa rin ng access sa mobile phones, puwede rin sa tablet o laptop.

May global study kasi na hindi raw naaapektuhan ang viewing level sa TV kahit may live streaming. So, maganda iyun at positive ang dating sa The Clash.

Kaya inaasahang mas malakas pa ito sa mga susunod na episode lalo na’t kung maayos ng technical people ang live streaming nito.

PAK: Pinag-usapan ng ilang taga-showbiz ang nangyari kay Sam Milby na kung saan ipinagpalit siya ng dyowang si Mari Jasmine sa isang lady director.

Isang kilalang aktor ang nakausap ko at naka-relate raw siya sa nangyari kay Sam.

Ang pangit daw talaga ng pakiramdam dahil parang ang laking insulto raw sa pagkalalaki niya na ang girlfriend mo ipinagpalit sa kapwa babae.

Ginawa rin daw sa kanya iyun ng isang matangkad na aktres na nakarelasyon niya ng ilang buwan.

Nung una pa naman daw, sa kanya pa hahabul-habol si aktres na tila nagpaparamdam. Kaya niligawan daw niya ito. Nung naging sila na, okay naman daw nung una, pero bandang huli tila tinabangan na si aktres at ipinagtapat kay aktor na meron na itong karelasyong tibo. Type rin daw kasi niya ang kapwa babae, kaya hindi akalain ni aktor na hindi pa pala sapat ang pagka-macho niya, hanap pa rin ni aktres ang kapwa monay.

Wala raw nagawa si kilalang aktor, sinuntok na lang daw niya ang pader.

BOOM: In-announce na ng FDCP sa Sequioa Hotel, QC kahapon ang walong pelikulang kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula sa August 15 hanggang 21.

Matitindi pa ang mga direktor ng mga pelikulang ipalalabas sa kabuuan ng Pista.

Nanguna dito si direk Chito Roño ng pelikulang Signal Rock na pinagbibidahan ni Christian Bables. May dalawang pelikula si Jason Paul Laxamana, ang Bakwit Boys ng T-Rex na bida sina Nikko Natividad, Ryle Santiago, Vance Larena at Mackie Empuwerto. Ang isa pang entry ni direk Jason ay ang sa Viva Films na The Day After Valentine’s na sina Bela Padilla at JC Santos naman ang bida.

Pasok ang comedy ng Regal Entertainment na Unli Life na dinirek ni Miko Livelo, tampok sina Vhong Navarro, Winwyn Marquez, Joey Marquez at Ejay Falcon.

Ilan pa sa nakapasok sa walong kalahok ay ang action film ni direk Richard Somes na We Will Not Die Tonight na pinagbibidahan ni Erich Gonzales, ang Pinay Beauty ni Jay Abello, Madilim ang Gabi ni direk Adolf Alix na kung saan nagbabalik-acting dito si Phillip Salvador kasama siGina Alajar, at ang Ang Babaeng Allergic sa Wifi ni direk Jun Lana, bida sina Sue Ramirez at Jameson Blake.

Sandaling nakatsikahan namin si Winwyn Marquez doon sa launching at excited daw siya sa Unli Life nila ni Vhong dahil first time daw niyang makatrabaho ang komedyante at ngayon lang din daw sila magkatrabaho ng Daddy Joey niya.

Hiningan na rin namin ng reaksyon si Winwyn tungkol sa reaksyon ng ilang fans na nag-react sa isang post ni Mark Herras na sinasabi niyang si Winwyn daw ang pinakamagandang babae sa buhay niya.

Ang dating daw kasi ay mas maganda pa raw ba ito sa mga ex-girlfriends ni Mark na sina Marian Rivera, Jennylyn Mercado, at Ynna Asistio? Hindi ito matanggap ng ilang fans na nagpadala sa amin ng mensahe nang panlalait kay Mark.

Nagulat si Winwyn sa isyung iyun dahil wala raw siyang kaalam-alam tungkol diyan.

Sabi na lang ng beauty queen/actress; “Opinyon naman nila yun eh. Masaya naman kami ni Mark eh, and if they think ganun, I don’t think na minamaliit yung mga ex niya or something.

“Siguro kasi iba yung present, and we just cherishing every moment that we have each other. Eh kung ‘yung naisip ni Mark ‘yung present di ba?

“Tapos naman ‘yung iba, hindi naman siguro i-compare na.”

vuukle comment

SAM MILBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with