^

PSN Showbiz

Cancer ni Gary hindi sinasadya ang pagkaka-diskubre, pananampalataya nasubukan na naman

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Cancer ni Gary hindi sinasadya ang pagkaka-diskubre, pananampalataya nasubukan na naman
Gary Valenciano

Nakaraos na si Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa kinaharap niyang health challenges. After nga ng open heart operation, muli siyang inoperahan matapos ang isang incidental finding ng kanyang cardiologist kung saan may nakitang malignant kidney mass.

Parehong tagumpay ang nasabing operation nang hindi namamalayan sa showbiz industry at ngayon ay cancer-free na siya. 

Bilang isa sa pinaka-respetadong Christian artists ng bansa, ang balita tungkol sa kanyang kalusugan ay isang panibagong pagsubok sa pana­nampalataya ni Gary habang kinaharap niya ang life-threatening challenges na kanya namang nalagpasan sa tulong ng isa sa pinakamahusay na medical teams sa bansa kasama ang isang katutak na dasal mula sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at ‘di mabilang na mga tagahanga mula sa iba’t bang panig ng daigdig.

Sinabi na ni Gary V. na nagpapa­lakas na lang siya at wala nang dapat ipag-alala ang kanyang fans.

Ayon sa isang malapit kay Gary, nakadama ng sakit si Mr. Pure Ener­gy sa kanyang left abdomen at na­diskubre ng mga doktor ang isang incidental finding na 6-centimeter malignant tumor sa kanyang kidney. At nang operahan siya sa pangalawang pagkakataon, nalaman ng mga doktor na ang tumor ay localized sa loob ng kanyang kanan na kidney. 

Ngayon, malapit na si Gary sa full recovery at ayon sa mga doktor halos kasing lakas ng puso ng isang 25-year old ang puso ni Gary ngayon habang natanggal ng buo ang tumor sa kanyang kidney at nalamang hindi ito kumalat. 

Ang buong pamilya ni Gary, kasama ang kanyang ina at kapatid na babae na lumipad galing sa Amerika, ay nasa 100% na nasa likod niya para sa kanyang ongoing journey papunta sa full recovery habang naghahanda siya sa mga exciting new projects at sa kanyang grand return sa telebisyon at sa live concert stage. 

I am miraculously saved. Doctors were baffled I was healing so well after my open heart surgery despite my diabetes,” sabi ni Gary. “When the doctors saw the tumor in my kidney and were able to take it all out without a need for chemo therapy or radiation, I can only say that this is the work of the Lord and nothing else. I am blessed,” pahayag pa niya.

Get well soon Mr. Pure Energy. 

Papa Ahwel marunong mag-share

Ang bait-bait naman ng sikat na radio personality na si Papa Ahwel Paz. Imagine, instead na cash ang ta­lent fee na singilin niya bilang newest ambassador ng International Academy for Aesthetic Sciences, scholarship program ang tinanggap niyang bayad, worth three million. At ipa­mimigay niya ang nasabing scholarship prog­ram sa mga needy pero karapat-dapat na individuals. Ang masuwerteng napipisil ay puwedeng mamili sa eight different courses sa Aesthetics.

Feeling ni Papa Ahwel, dapat naman talaga na nagsi-share din ng blessings sa mga mga na­nga­ngailangan nating kababayan.

Magiging instrument sa paghahanap nila ang radio program ni Papa Ahwel sa DZMM para nga makakuha ng mga well deserving na individual na bibigyan ng pagkakataon na makapag-aral sa IAAS.

Ang Aesthetics ay pag-aaral tungkol sa pagpapaganda. ‘Yung mga nagpapaganda sa atin sa skin clinics at sa spa.

Congrats Papa Ahwel. More blessings to come.

Toilet sa mall kasama na sa budget

Hmmm parang ang laking raket din ng comfort room sa mall ha. Imagine, bawat ihi, sampung piso ang katapat.

Sa rami ng tao sa mall at dalas umihi ng iba, dun pa lang gagastos ka na. May libre naman na toilet  pero alam mo ‘yun pila-pila at medyo marumi.

Wala bang batas na nagbabawal sa mga mall na maningil sa mga comfort room nila na ‘di ba responsibility naman nilang magkaroon ng comfort room?

Yung parking nga tinanggap na natin na walang kagatul-gatul pero pati ba naman ang CR sa mall kailangang gastusan?

Naalala ko nun may may batas na ipinu-push na tanggalin ang parking fee sa mga mall. Pero obviously walang nangyari.

Imagine nung ang movie review pa namin for Cinema Evaluation Board (CEB) ay sa isang mall, almost P500 ang charge sa parking fee. After four hours kasi may additional charge, hindi fix charge.

Ganun na rin sa CR, pag nagtagal-tagal ka sa mall, palaki nang palaki ang gastos mo sa toilet na kahit may bayad ay hindi naman kalinisan at hindi kabanguhan.

Kaya lang talagang sa atin kasi #mallislife kaya kahit anong charge sa parking at toilet, karamihan dedma na.

Well, sana dumating ang time na marendahan naman ang mga mayayamang mall na ‘wag naman lahat datung na lang. Hahaha.

Kaya hindi nakakatakang darating ang time na hindi na libre ang pagpasok sa mall, baka magkaroon na rin ng entrance fee.

 

vuukle comment

GARY VALENCIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with