^

PSN Showbiz

Coco gusto munang sagarin ang trabaho, 4 years bago mag-asawa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Coco gusto munang sagarin ang trabaho, 4 years bago mag-asawa

Bukod sa pagiging artista at direktor ay mayroon na ring ilang negosyo si Coco Martin para sa kanyang pamilya. “Meron akong piggery sa Pampanga pero binigay ko ‘yon sa brother ko,” bungad ni Coco. May salon franchise ding kinuha ang aktor para naman sa kapatid na babae. “Gusto ko kasi maiayos ko na ‘yung pamilya ko,” giit ng aktor.

Sa ngayon ay puro trabaho muna raw ang pinagtutuunan ng panahon ni Coco kaya hindi muna iniisip ang pakikipagrelasyon. “Puso ko, masaya naman. Naranasan ko kasi ‘yung hirap ng buhay. Kaya habang may oportunidad ngayon, sinasagad ko na. Pagkatapos nito, hindi ko na mababalik ‘to,” paliwanag ng aktor.

Nangangarap si Coco na makapag-aasawa kapag 40 years old na kaya ilang taon na lamang ang kanyang hinihintay. “Kapag settled na ako at nakaipon na ako, panghabang-buhay na ‘yan. May 4 years pa, sasagarin ko na. Tapos after that, sarili ko naman,” pagtatapos niya.

Zeus handang maghubad 

Masayang-masaya si Zeus Collins dahil nabigyan siya ng pagkakataon na mapabilang sa pelikulang Wander Bra. Katambal ng Hashtags member si Kakai Bautista sa nasabing proyekto. Nakahanda na rin umano ang binata na magpaka-daring sa kanyang mga susunod na pelikula. “Siguro depende eh, baka mamaya ‘yung istorya ng movie parang medyo sobrang sexy. Pero kung comedy, okay lang siguro. Kasi ako, mahilig talaga akong manood ng mga comedy eh. Ako, talagang makulit ako kahit na sa likod ng kamera. Kaya natuwa ako no’ng in-offer sa akin itong Wander Bra,” pagbabahagi ni Zeus.

Kung mabibigyan ng pagkakataong maghubad o magpakita ng puwet sa isang proyekto ay wala raw itong problema sa aktor. “Oo, okay lang ‘yan. ‘Yung sexy na bed scene, naka-underwear sa movie, go ako diyan. Basta paghahandaan ko, talagang maggi-gym ako para at least, ‘pag napanood ng mga tao, maganda naman ‘yung katawan ko. Pero siguro ‘yung parang frontal (nudity) at lalaki sa lalaki (kissing scene), parang hindi ko pa kaya eh. Nahihiya ako,” nakangiting pahayag ni Zeus.

Samantala, tatlong taon nang walang kasintahan ang binata at sa ngayon ay hindi pa nakahandang makipagrelasyon muli. “Nagpo-focus po kasi ako sa trabaho talaga kasi may goal po ako na magkaroon po ako ng sarili kong bahay, mabigyan ‘yung mga kapatid ko, mama’t papa ko. Talagang focus ako lalo na kapag nakikita ko sila. Ako naranasan ko talaga kung paano maghirap eh. Hindi pwedeng hindi ako magtatrabaho. Kaila­ngan kong magtrabaho para sa kanila,” giit ng aktor.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with