^

PSN Showbiz

Female personality walang palya sa pang-aaswang sa mister ng mga kaibigan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Malaking umpukan ang nabuo sa isang simpleng party. Puro mga kilalang artista ang nandu’n, ano bang mga reporters lang ang mahilig sa tsismis, may sariling talk show rin ang mga artista kapag magkakaumpukan sila.

Ang dami-daming kuwento, mga isyung hindi alam ng publiko, kung makapagsusulat lang silang lahat ay siguradong mamumutakti sa mga sumisigaw na scoop ang mga pahayagan.

Hanggang sa nauwi na ang kanilang kuwentuhan sa isang female personality na kontrobersiyal ngayon ang lovelife. Maaksiyon ang kuwento dahil may isang non-showbiz na babaeng pumapalag, ang nasabing babaeng personalidad daw ang nang-agaw sa kanyang karelasyon, may kani-kanyang kuwento ang magkakamesang artista.

Sabi ng isa, “Naalala n’yo ba ‘yung pinsan ni chuchu (isang female personality)? Alam n’yo bang nakilala ni ____(ang female personality na binubulabog ngayon ng dati niyang kaibigan) ang isang rich guy sa isang party, nalaman niyang mucho ang guy, dahil nasa linya ng pagbebenta ng jewelry ang lalaki.

“Hiningi niya agad ang number ng guy, kina­gabihan din, tinext niya agad, bibili raw kasi siya ng alahas. Natural, nagkainteres naman ang guy, magandang benta nga naman ‘yun, kaya nagkasundo silang magkita kinabukasan sa isang coffee shop.

“Dumating ang girl sa venue, ang suot niya, e, manipis na blouse na kitang-kita na ang mga boobs niya. Hindi siya naupo sa harapan ng inuupuan ng guy, tumabi talaga siya!

“So habang kunwari, e, namimili siya ng bibilhin niyang alahas, may bonus ‘yun na pagkiskis-kiskis ng boobs niya sa katawan ng guy! Nakakaloka siya! Ang guy naman, natural, hindi na makapag-concentrate, parang gusto na lang niyang ipamigay sa girl ang mga paninda niya!

“Namuhunan naman ang girl, in fairness, buy siya ng hindi kamahalang alahas, pero wait, there’s more! Nagkasundo na naman silang magkita, pero hindi na sa coffee shop, sa isang very private place na!

“Galit na galit sa kanya ang wife ng guy, kasi nga, kinaibigan niya ang babae, e! Habang nagpapakaligaya sila ng guy, kakuwentuhan din niya palagi ang wifey, kaya Anaconda ang tawag sa kanya ng asawa ng jeweler!

“Grabe, di ba? Parang pare-pareho nga lang ang script niya, hindi siya nagpapalit, kinakaibigan niya muna ang girl para hindi siya pagdudahang inaaswang na niya ang mister!” napapailing na kuwento ng source habang mang­hang-mangha naman ang mga kaharap nitong artista.

Ubos!

Pangalan ni Kris nakakalimutan nina Julia at Joshua?!

Nag-guest sa It’s Showtime nu’ng nakaraang Sabado sina Joshua Garcia at Julia Barretto. Pagkatapos nilang mag-judge sa isang segment ng noontime show ay nag-imbita na sila para sa kanilang pelikulang ipalalabas na.

I Love You Hater ang titulo, ipalalabas na sa July 11, tinutukan naming mabuti ang kanilang imbitasyon. Wala silang binanggit na pangalan ni Kris Aquino kahit pa kasama nila ang aktres-TV host sa pelikula.

Bakit kaya? Meron kaya silang sinusunod na bilin ng produksiyon na huwag ba­bang­gitin ang pangalan ni Kris sa kanilang promo? Ang dami-daming tumawag at nag-text sa amin nang dahil du’n.

Unang-una na ang kaibigan naming propesor na hindi maka-Kris, pero nagtaka, dahil hindi nga binanggit ng JoshLia ang pangalan ni Kris.

Reaksiyon ni prop, “It’s very velar, Kris is part of their movie. Nasa trailer siya, alam na ng buong mundo na kasama siya sa pelikula, pero bakit hindi binanggit nina Julia at Joshua ang name niya?

“Ano ito? Were they told not to mention the name of their co-star? Bakit naman ganu’n? Para ano pa at isinama nila ‘yung tao sa movie, pero hindi naman pala siya kasali sa promo ng project niya?” madiing tanong-opinyon ni prop.

Nakapagtataka nga naman ang nangyari. Pero sa live plugging ng pelikula ay binanggit naman ng minor cast ng noontime show ang pangalan ni Kris.

Magkakaroon kaya si Kris Aquino ng solo promo sa It’s Showtime? ‘Yun kaya ang rason kung bakit hindi sinabi nina Joshua at Julia ang kanyang pangalan sa kanilang pang-iimbita?

Sana nga ay ganu’n ang plano. Sana nga ay may solo promo si Kris Aquino sa programa dahil hindi maganda sa panlasa ang hindi pagbanggit sa kanyang pangalan kahit pa alam na ng buong bayan na nandu’n siya sa pelikula.

Kahapon sa ASAP-Honolulu, ay binanggit ang pangalan ni Kris Aquino sa promo ng I Love You Hater.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with