^

PSN Showbiz

Andi, nagko-commute na lang!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Andi, nagko-commute na lang!
Andi

Hindi na rin nagsusuot ng may takong

Noong isang taon pa nagsimulang manirahan si Andi Eigenmann sa Baler, Aurora. Inamin ng aktres na kinailangan niyang magbenta ng sariling mga gamit sa Maynila upang hindi masayang ang mga ito.

“I have five pairs siguro of like these (sapatos na mataas ang takong) pero tsinelas na lang at mga sneakers ‘yong natira. Kasi hindi ko naman kailangan,” pagbabahagi ni Andi.

Wala na ring sariling sasakyan ang aktres kaya natutunan na nitong mag-commute ngayon. “Nagko-commute, ang hirap nga dito sa Maynila eh kasi ang hirap mag-book, always full eh. Di ako marunong mag-taxi,” dagdag ni Andi.

Ayon pa sa aktres ay tutol ang inang si Jaclyn Jose sa kanyang pamamalagi sa Baler pero mas naging positibo ang pananaw sa buhay ni Andi mula nang manirahan sa probinsya.

“It really takes away the bad vibes sa dami ng pinagdaanan ko and right now masaya na ako. I found a place where I feel I belong. I met people from Baler, they became friends and family to me and so insip ko, I want to live here na rin. Ellie also knows all of my friends there. It’s nice for people to just like me and want to be my friend because they like me as a person, not because of Andi,” paliwanag ng aktres.

Lumuluwas na lamang umano si Andi sa Maynila tuwing may gagawin siyang proyekto.

Ara Mina bumuwelta na  sa ‘inagawan’ ng dyowa

Wala umanong kasintahan ngayon si Ara Mina. Ayon sa aktres ay ang pulitikong si Patrick Meneses pa ang huli niyang nakarelasyon na siya ring ama ng mag-aapat na taon ng anak na si Mandy.

“Yes, I am single because gusto ko ‘yung magiging relationship ko after Patrick is ‘yon na ‘yung magiging partner in life ko,” nakangiting bungad ni Ara. Sa ngayon ay maayos pa rin ang pakikitungo ng dating magkasintahan sa isa’t isa para sa kanilang nag-iisang anak. “We’re like best friends. Co-parenting kami kay Mandy,” pagtatapat ng aktres.

Aminado si Ara na nagkaroon din sila ng hindi pagkakaunawaan ni Patrick at tatlong buwan din silang nagkatampuhan pero nanumbalik pa rin ang maganda nilang samahan. “Tinanggal ko na ‘yung hatred ko. Hindi ko akalain na matatanggap ko na ganito ‘yung situation namin kasi minahal ko siya, sobra,” makahulugang pagbabahagi ni Ara.

Samantala, nauugnay ngayon ang aktres sa isang opisyal ng gobyerno na diumano ay mayroon na ring asawa. “Wala, hindi. I don’t owe public an explanation. Kung ‘yon ang side ng isang tao, just be it. Ang choice ko ay manahimik kasi wala akong dapat i-explain,” giit ni Ara.   

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with