^

PSN Showbiz

Maraming actor abala na rin sa basketball!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi lamang si Sen. Manny Pacquiao ang magsisilbing pinaka-malaking come on sa ginaganap na Maharlika Pilipinas Basketball League Cup, kung hindi ang ilang mga artista rin na nakita nang naglaro.

Kung dati ay sina Gerald Anderson at Andre Paras lamang ang na-anunsyong kasama sa liga, nagulat ang manonood na makitang naglaro si Xian Lim para sa Team Mandaluyong laban sa Team Pasig.

Hindi pa rin marahil magaling ang leg injury ni Gerald dahil hindi pa rin siya nakitang naglaro ulit sa hardcourt pero, kasama pa rin siya sa Team Marikina.

Kabilang din sa MPBL na nakitang naglaro sa linggong ito sa Ateneo gym ay ang Kapuso na si Ervic Vijandre na kabilang sa Team General Santos at nakalaban ng Team Quezon City.

Excited nang inaabangan ng mga suki ng basketball kung sino pang showbiz celebrity ang naengganyong ma-recruit ng MPBL

Andi at Jake bff mode na

Sa ganda ng relasyon ngayon ng ex-lovers na sina Andi Eigenman at Jake Ejercito, lalo na sa pagsi-share ng responsibility para sa kanilang anak na si Ellie, hindi nakapagtataka kung umasa ang mga followers nila ma magkabalikan sila.

Bukod sa nasa bff mode sila, wala naman silang sabit at parehong single.

Split na si Andi sa kanyang dalawang taong karelasyon at si Jake naman has proved elusive sa maraming baba­eng nagkakagusto sa kanya.

Salamat sa isang anghel na nagbubuklod sa kanila. Maganda rin ang ibinabadya ng karera ni Andi dahil maganda ang napili niyang comeback movie na Maid in London.

Herbert marami raw natutunan kay Kris

Sayang at last term na ni Herbert Bautista bilang mayor ng Quezon City.

Siya ang nag-iisang pulitiko na nakakaalala sa birthday ng lahat ng entertaiment writer at palaging ibino-blow out sila hindi nga lamang isa isa kundi sabay sabay, tulad nang ginawa niya nung Biyernes na kung saan sa dalawang magkahiwalay na pagkakataon ay nagpahanda siya sa Bulwagang Amoranto ng Quezon City Hall ng tanghalian para sa mga may birthday ng January to June at hapunan para naman sa mga July to December celebrators.

Hindi lamang kainan, may regalo din siya sa lahat na tumanggap ng kopya ng kanyang librong Bistek@50 Life in Full Color at masayang kuwentuhan.

Ang maganda kay Mayor walang masamang salita na namutawi sa kanyang labi tungkol kay Kris Aquino bilang sagot sa mga naging rebelasyon nito tungkol sa na­ging ugnayan nila. Sa halip nagpaka-gentleman siya sa pag-amin na maraming magagandang bagay siyang natutunan mula sa Queen of All Media.

vuukle comment

MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with