^

PSN Showbiz

Diether binilhan ng worth 35K na t-shirt ang anak

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Diether binilhan ng worth 35K  na t-shirt ang anak
Diether

Big time kahit inactive na

SEEN: “Good luck sa pelikula niya” ang mensahe ni Quezon City Mayor Herbert Bautista para kay Kris Aquino. Nangako si Kris na hindi na magsasalita tungkol kay Herbert pero marami ang naniniwala na hindi niya mapapanindigan ang salita na binitiwan. 

SCENE: Nagpapayat si Zoren Legaspi para sa role niya sa Kapag Nahati ang Puso ng GMA 7. Si Zoren ang guma­ganap na tatay ni Bea Binene sa bagong morning teleserye ng Kapuso Network. 

SEEN: Ang Kapag Nahati ang Puso ang ipapalit sa timeslot ng My Guitar Princess. Si Benjamin Alves ang leading man ni Bea Binene sa Kapag Nahati ang Puso at sa tunay na buhay, girlfriend niya si Julie Anne San Jose, ang lead actress ng My Guitar Princess. 

SCENE: Ang Kapag Nahati ang Puso ang comeback teleserye ni Bing Loyzaga sa GMA 7. Maliit ang mukha ni Bing pero hindi naikubli ng black gown niya ang kanyang lumapad na katawan. 

SEEN: Ang balita na ibinili ni Diether Ocampo ng t-shirt na nagkakahalaga ng P35,000 ang kanyang anak na si Dream. Anak ni Diether si Dream sa girlfriend niya na walang kinalaman sa showbiz. 

SCENE: Humingi ng paumanhin ang basketball player na si Marc Pingris dahil sa kanyang controversial selfie photo pagkatapos ng basket-brawl sa pagitan ng kanyang team at ng Australia Boomers sa Philippine Arena noong Lunes. Ang pagiging tao lamang niya ang ibinigay na katwiran ng asawa ni Danica Sotto. 

SEEN: Ang magandang relasyon ni Kobe Paras sa Dutch husband ng kanyang nanay na si Jackie Forster. Nakita si Kobe at ang kanyang stepfather na masaya na nagkukuwentuhan sa poolside ng isang 5-star hotel. 

SCENE: Ang balita na matatapos sa 2019 ang agreement ng GMA Network Inc. at ng GMA News TV kaya may malaking pagbabago na mangyayari sa mga programa ng network na pag-aari ni Jesus is Lord founder Bro. Eddie Villanueva. 

vuukle comment

DIETHER OCAMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with