^

PSN Showbiz

Female personality wanted sa Tsinoy na nagsangla ng mamahaling relos

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa isang malamig, maingay at mausok na lugar ay pinagkukuwentuhan ang isang kilalang female personality na hinahanap ng isang Tsinoy. May kuwento kung bakit siya ipinagtatanong ng lalaki.

?Isang hatinggabi, sa kagustuhang makabawi ng sugarol sa malaki na nitong pagkatalo, ay isinangla nito ang kanyang mamahaling relo sa female personality. Maliit lang ang halaga ng sangla, madaling tubusin, pero nagkaroon ito ng problema sa pagkuha sa kanyang relo.

?Kuwento ng aming source, “Nagkasundo sila sa kinse mil na sangla, nagpirmahan pa sila na within seven days, e, kailangang matubos nu’ng Tsinoy ang relo niya.

?“Kapag hindi niya ‘yun nakuha sa loob nang pitong araw, aangkinin na ng female personality ang isinangla niyang relo. Sa third day pa lang, e, tutubusin na nu’ng lalaki ang mamahalin niyang relo.

?“Tinatawagan niya ang babaeng personalidad, pero hindi niya makontak. Sa panglimang araw, e, nagkausap sila, sinabi ng lalaki na tutubusin niya na raw ang isinanglang relo sa kanya.

?“Pero ang sabi ng girl, e, nasa malayong probinsiya raw siya, hindi raw siya makapupunta sa casino, saka na lang daw sila mag-usap. Galit na galit ang Tsinoy dahil pitong araw ang usapan nila, pero sa ikatlong araw pa lang,e, handa na niyang tubusin ang isinangla niya, pero nagwala-walaan naman ang female personality,” kuwento ng aming impormante.

?Ang ending, nalaman ng Tsinoy na ibinenta na pala ng female personality ang kanyang relo sa napakalaking halaga, ‘yun pala ang dahilan kung bakit hindi na siya nakipagkita pa sa nagsangla sa kanya.

?Balik-kuwento ng aming source, “Maitatago ba naman ng girl ang pagbebenta niya ng relo nu’ng lalaki? Napakaliit ng mundo, magkakakilala ang mga Filipino-Chinese dito sa atin?

?“Nakita kasi ng female personality ang pres­yo ng relo sa certificate na ipinakita nu’ng lalaki, kaya ayun, pinag-interesan na niya ang isinangla sa kanya, hindi na siya nakipagkita sa Tsinoy para matubos ang relo sa third day pa lang.

?“Hindi na siya nakikita ngayon sa lugar na ‘yun, marami na kasing nakakaalam sa kuwento ng mahiwagang relo, kalat na kalat na ang kuwento sa casino, kaya iwas na iwas ngayon ang female personality sa place na ‘yun,” pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

JLC nahirapan sa kanyang ginagawa

Walang nakasisigurado kung nanganak na ba, manganganak pa lang, o hindi pa manganganak si Ellen Adarna. Wala kasing anumang nanggagaling na kumpirmasyon mula sa kanila ni John Lloyd Cruz.

?Puro kuwento-kuwento lang ang naglalabasan na nakapanganak na sa isang ospital sa Cebu City ang sexy star, na pinasisinungalingan naman ng aktor, kaya hanggang ngayon ay naghuhulaan lang ang ating mga kababayan tungkol sa sitwasyon ng babaeng ibon kung tawagin nila.

?Sabi ng isang nakakuwentuhan naming malapit kay John Lloyd ay gusto lang daw kasi ng aktor na maging pribado ang kanilang relasyon ni Ellen. Lahat-lahat daw ay naibahagi na niya sa publiko mula nang mag-artista siya.

?Na tototo naman. Ang lahat ng pakikipagrelasyon ni JLC ay alam ng ating mga kababayan, pati ang kanilang paghihiwalay ay bahagi rin ng mga tsismisan sa kahit saang lugar, kaya gusto niyang iba naman ang kanilang relasyon ni Ellen sa mga nakaraan niyang pakikipagrelasyon.

?Pero dahil pampublikong pigu­ra nga sila ni Ellen, ay magiging mahirap para kay Lloydie ang kanyang hiling. Malayong mangyari ‘yun dahil mga artista sila, lalo na siya, na kilalang-kilala na ay magaling pang aktor.

?Kailan nga lang nang magsadya si JLC sa isang malaking mall sa Cebu ay para siyang naging target ng mga kababayan natin sa pagkuha ng pictures habang namimili siya ng mga kagamitang pambata.

?Nagsasalimbayan ang mga camera na nakatutok sa kanya, kani-kanyang kuha ng retrato niya ang mga nandu’n, nagmistulang paparazzi ang mga ito habang kinukunan ng larawan ang malapit nang maging daddy.

?Sa loob lang nang tatlong minuto ay kalat na kalat na sa social media ang mga pictures ni John Lloyd na katabi ang mga ibinebentang walker at stroller sa mall.

?Sabi ng isang nag-post ng kanyang retrato, “Siguro nga, e, nakapanganak na si Ellen. Puro gamit na pambata ang sina-shopping ni John Lloyd. Nakakatuwa!”

?Nakapanganak na o manganganak pa lang si Ellen Adarna, ang pinakamahalaga pa rin ay maayos sana ang sit­wasyon ng kanyang mag-ina, ‘yun pa rin ang hangad ng mas nakararami para kay John Lloyd Cruz.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with