^

PSN Showbiz

Dating magandang aktres/dancer paklat-kalat sa QC!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming taga-showbiz ang nagpapatunay na madalas makita sa iba-ibang lugar ngayon ang isang dating aktibo at magandang aktres na palakad-lakad nang walang direksiyon.

Hindi sila maaaring magkamali, nagkaroon ng sariling tatak ang female personality, bukod sa pag-arte ay nakilala rin siya sa husay niyang umindayog.

Kuwento ng isang source, “Nu’ng minsan, e, nakita siya ng friend ko sa may palengke ng Fairview, nakatayo siya sa gilid ng isang tindahan, parang nakatingin lang siya sa kawalan.

 “Gusto raw sana niyang batiin si ____(pangalan ng may kaliitang babaeng personalidad), kukumustahin sana niya, pero nagdalawang-isip siya dahil baka raw kamukha lang ‘yun ng taong iniisip niya,” kuwento ng aming impormante.

Nu’ng minsan naman ay may nakakita sa dating kilalang dancer-actress sa isang mataong lugar, hindi maayos ang kanyang itsura, parang may hinihintay siya na parang wala naman sa pagkakaupo niya sa may paradahan ng mga tricycle.

Balik-reaksiyon ng aming source, “That time, siguradung-sigurado na ang nakakita na si ____(ang female personality) nga ‘yun! Tinawag kasi niya ang pangalan ng girl, lumingon naman, kaya sure na sure siyang ang dancer-actress nga ang nakita niya.

 “Ano na kaya ang nangyari sa kanya? May matindi ba siyang pi­nagdaanan na hindi kinaya ng isip niya? Naghihirap na ba siya ngayon?

 “Wala na kaya siyang mga kamag-anak na puwedeng mag-alaga at kumupkop sa kanya? Bakit kaya siya pagala-gala na lang sa kung saan-saan? Maganda ang career niya nu’n, palagi siyang leading lady ng isang sikat na comedian, ano na ang nangyari sa kanya?

 “Ang dami-dami nang nakakakita sa kanya, hindi na puwedeng ipagkaila na siya ‘yun, dahil kahit pa hindi na siya maayos tingnan ngayon, e, makikilala pa rin siya.

 “Sabagay, nagkaroon nu’n ng time na parang nagbisyo rin siya, di ba? Napabalita ‘yun, pero ang inaasahan ng mga katrabaho niya, e, nagbagong-buhay na siya.

 “May mga nagkukuwento pa nga na star dancer siya sa isang kilalang bar sa Japan, kaya ang akala ng mga kaibigan niya, e, nakabawi na siya. Sayang naman ang girl na ito. May tumulong sana sa kanya, tutal naman, nu’ng mga panahong okey ang career niya, e, naging nice naman siya sa marami,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

John Lloyd nadamay na sa ‘panloloko’ ni Ellen

Nagalit si John Lloyd Cruz sa mga nagpakalat ng kuwentong bininyagan agad ang kanilang anak ni Ellen Adarna ilang oras pa lang pagkatapos itong ipanganak. Dalawa-singko na lang ngayon kung magpakawala ng matutulis na salita ang aktor, palagi siyang nagbibitiw ng mga pagmumura, malayung-malayo sa dati niyang imahe.

Palagi kasing pahulaan ang sitwasyon ni Ellen Adarna, puro ispekulasyon ang naglalabasan na diumano’y nakapanganak na ito, kaya lang ay inililihim nila ‘yun ni John Lloyd.

Ang isa pang mas nagpatingkad sa balitang nanganak na nga ang sexy actress ay ang ipinost nitong paa ng sanggol sa kanyang account. Ganu’n palagi si Ellen, naglalabas ito ng kung anu-anong retratong makahulugan, kinakagat naman ‘yun ng marami.

Maraming nagkokomento na para makaiwas sa galit at stress si JLC ay pakisabihan niya na lang kasi ang kanyang girlfriend na huwag post nang post ng mga larawang nagbibigay ng kung anu-anong ispekulasyon.

Diamond ring, crib at ang pinakahuli ay ang paa ng sanggol na inilabas nito, du’n nang-uugat ang mga kuwentong naglalabasan na ayon nga kay John Lloyd ay fu--ng fake!

Kung gusto nilang gawing pribado ang mga nagaganap sa kanilang buhay ay wala namang problema, mauunawaan naman sila ng publiko, kaya lang ay sila rin naman ang nagpapasimuno sa pagbibigay ng kung anu-anong ispekulasyon tungkol sa pribado kuno silang sitwasyon ngayon.

Sila dapat ang magpanatili sa kanilang kapribaduhan, huwag silang naglalabas ng kung anu-anong clue tungkol sa buhay nilang itinatago sa publiko, para matahimik din ang kanilang mundo.

Pinaglalaruan kasi ni Ellen Adarna ang mga tao, wala itong kaalam-alam na ang unang-una nitong pinaglalaruan ay ang buhay nila at relasyon ni Lloydie, pati ang walang kamuwang-muwang nilang magi­ging anak na ginagawa nitong blind item kung kailan sisipot sa maliwanag.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with