^

PSN Showbiz

Pokwang nakalusot sa ‘humaharang’

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Pokwang nakalusot sa �humaharang�
Pokwang

Hindi rin nagtagumpay ang isang may galit kay Pokwang sa pagharang at pagpigil sa mga project na dumarating dito  dahil mayroon  itong tinanggap na digital film na entry sa ToFarm Film Festival. Bukod sa nasabing pelikula, maaring mabalikan din niya ang role niya sa Ang Probinsyano. Walang problema ang komedyante dahil malusog ang bunso niya sa asawang Amerikano at ang panganay niya ay nagtapos na ng isang culinary course sa isang may kamahalang iskwelahan sa Taguig. May kinapuntahan din ang pagsisipag ng single parent na ang bunsong si Malia ay may asawa siyang pagtutulungan nilang itaguyod.

Anak ni Melanie susubukang tularan ang nanay

Hindi talaga mawawala sa isip ng mga local fans ang ex-Miss International at artistang si Melanie Marquez. Tumigil man siya sa paggawa ng mga proyekto dito sa pelikula man o TV,  at nagkakasya na gawin ang kanyang tungkulin bilang asawa ng isang abogado at ina ng dalawag anak nilang lalaki sa US, isang anak niya kay Derek Dee ang nagtatangkang ipagpatuloy ang kanyang nasimulan sa showbiz. Swerteng napapayag ng GMA na makuha ang serbisyo ng 21 taong gulang na showbiz wannabe na nakuha ang looks ng kanyang ina.

Maine naka-tatlong taon na

Tatlong taon na sa Eat Bulaga si Maine Mendoza at walang dahilan para maisip niyang iwan ang show na nagdaragdag sa kanyang kasikatan sa kabila ng pangyayaring hindi na siya umaasa sa tambalan nilang Aldub ni Alden Richards. Maraming tambalan ang nabuo at nalansag at nalaos ang pareha pero sina Maine at Alden ay nabibiyayaan pa rin sa kanilang paghihiwalay at pagsosolo. Kung maatutuloy, may pagkakataon pa na makatambal ni Maine si Coco Martin kasama pa si Vic Sotto sa MMFF.

Zeus hindi inasahang bibida sa pelikula

Nakatapos na ang dancer na si Zeus Collins ng shooting para sa pelikula na una niyang pagbibidahan, ang Wander Bra na dala-dalawa ang leading lady niya, sina Myrtle Sarroza at Kakai Bautista. Hapi si Zeus na naging artista rin siya bagaman at sa pagsasayaw lamang niya gustong sumikat. Pero sa It’s Showtime na kung saan siya ay regular na napapanood ay binigyan siya ng pagkakataon na maipamalas na mayroon siyang kakayahang magpatawa kaya baka mas sumikat pa siya kaysa sa inaasahan niya.

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with