^

PSN Showbiz

Jolo pasalamat nang pasalamat kay Coco

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jolo pasalamat  nang pasalamat kay Coco
Jolo

Masayang-masaya si Jolo Revilla dahil muli siyang naging aktibo sa telebisyon. Nakakadalawang buwan na ang aktor sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

“Tingin ko kaya naman with the schedule. I’m doing it right now. Nagpapasalamat ako dahil ang taas-taas ng ratings ng Probinsyano. Buong cast is really thankful. Overwhelming ang ratings namin. Sobrang ganda ng kwento, talagang current events ang nangyayari,” nakangiting pahayag ni Jolo.

Malaki ang pasasalamat ng aktor kay Coco dahil nanumbalik ang proyektong aksyon ang tema.

Matatandaang maraming action films din ang nagawa noon ng lolo ni Jolo na si Ramon Revilla, Sr. at amang si Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. “Ang laking pasasalamat ko kay Coco dahil ibinalik niya ang action through Ang Probinsyano. Ang daming nabigyan ng pagkakataon na makabalik sa showbiz from jobless stuntmen to comedians to actors. Mga artistang walang trabaho, nakabalik sa industriya at nabigyan ulit ng trabaho. Kumpleto rekado ang Probinsyano, may drama, action, romance, family story. Kumbaga sa coffee, hindi lang three in one, all in one,” paliwanag ni Jolo.

Samantala, isang pelikula ang gagawin ng aktor bago magtapos ang taon. Makakasama ni Jolo ang mga kapatid na sina Luigi at Bryan Revilla sa pelikulang Tres. Ang Imus Productions na pagmamay-ari ng pamilya ni Jolo ang gagawa ng pelikulang pagbibidahan ng tatlong magkakapatid.

“I believe it’s about time that action will be seen on mainstream movies again. Alam naman natin na ang Imus Productions kapag gumagawa ng pelikula, pulido,” pagtatapos niya.

Aljur nawalan na ng tinik sa dibdib

Maayos na ang lahat sa pagitan nina Aljur Abrenica at ang ama ng kasintahang si Kylie Padilla na si Robin Padilla.

Matatandaang nagkaroon ng tampo si Binoe kay Aljur nang mabuntis ng aktor si Kylie bago magtapos ang 2016.

Hindi pa nagpapakasal ang magkasintahan pero noong Pebrero ay naipahayag naman ni Aljur kay Robin ang hangarin na mapakasalan si Kylie.

“Dati kasi parang may tinik. Kahit masaya kami ni Kylie, mayroong parang hindi suwabe lahat. Pero ngayon nasa harmony na. One of the best na pakiramdam noong nangyari ‘yung pamamanhikan,” bungad ni Aljur.

Mag-iisang taon na sa susunod na buwan si Alas na unang apo ni Robin kina Kylie at Aljur. Nagpapasalamat ang aktor kay Binoe dahil sa suportang ibinibigay nito ngayon sa kanila ni Kylie. “Kasi ‘yung suporta na natatanggap ko from Papa Robin at ‘yung advise sa pagiging ama at pagiging good leader at provider ay masarap sa pakiramdam ko ‘yon. So thankful ako sa kanya,” pagbabahagi ni Aljur.

vuukle comment

COCO MARTIN

JOLO REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with