^

PSN Showbiz

Aktres natupad ang mga pangarap sa tabing dagat!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Paboritong pagkuwentuhan ngayon kahit saan ang isang kilalang female personality na may kakaibang trip. Matagal nang namamahinga sa mundo ng pelikula at tele­bisyon ang babaeng personalidad.

Mas pinili niyang mamuhay na malayo sa mga ilaw ng showbiz. Simpleng buhay ang pinili niya, ‘yung paggising niya ay halos kahalikan na niya ang dagat, masarap na simoy ng sariwang hangin ang kanyang niyayakap.

Matagal na pala niyang pinapangarap ang ganu’ng klase ng buhay, kahit nu’ng batambata pa lang siya ay laman na ng kanyang isip ang pagtira sa tabi ng dagat, pinatutunayan ‘yun ng kanyang mga drawing nu’ng maliit pa lang siya.

Kuwento ng aming source, “Totoo ‘yun! Kapag uma-attend siya ng children’s party, ganu’n ang mga drawing niya kapag sama-sama silang nagdo-drowing ng iba pang mga bata!

“Palaging bahay na malapit sa seashore ang drawing niya. May mga puno, may mga halamang namumulaklak, palaging ganu’n ang drawing niya. Siyempre, kung ano ang iginuguhit ng mga bata, manifestation ng pangarap nila ‘yun!” kuwento ng aming source.

Siguro nga ay naburyong sa kanyang trabaho ang magandang aktres, kaya isang araw, bumili siya ng lupa sa isang probinsiyang napapaikutan ng dagat.

“Du’n siya namuhay, napakasimple ng buhay niya sa place na pinili niya. Nagtanim siya ng mga punong-kahoy, may mga halaman din siyang namumulaklak, kung ano ang idino-drawing niya nu’ng bata pa siya, ganu’n na ganu’n ang itsura ng lugar niya sa probinsiya.

“Pero wala siyang planong talikuran ang pag-arte, pinagbigyan lang niya ang wish niyang makapamuhay nang simple. Babalik pa rin siya sa showbiz, hindi niya kayang iwanan ang profession na nagbigay ng magandang buhay sa kanya,” madiin pang sabi ng aming impormante.

May mga nakakakita sa aktres na bumibili ng mga bagong hu­ling isda sa aplaya. Nakadikit siyempre sa kanya ang tingin ng mga tagaroon dahil ang ganda-ganda niya.

“Mas maganda pala siya kapag walang ayos. ‘Yung walang ka-make-up-make-up. Mas kitang-kita ang ganda niya kapag ganu’n. Maligaya siya sa pinili niyang buhay, kitang-kita ‘yun sa aura niya,” kabuuang kuwento ng aming impormante.

Ubos!

Bong hinihintay na sa ‘labas’

Bawat araw na lumilipas nga­yon ay minamarkahan na ng mga tagasuporta ni dating Senador Bong Revilla. Bawat araw na nadadagdag ay pabawas naman nang pabawas ang ibig sabihin nu’n para sa mga sinserong nagmamahal sa aktor-pulitiko.

Napakalaki ng kanilang pag-asa na isang araw ay tuluyan nang makalalaya mula sa pagkakulong nang apat na taon ang mahal nilang pulitiko.

Napakapositibo ng mga senyales kung bakit.

Ang testimonya ng isang witness ng prosekusyon na nagsabing walang dapat panagutan si Senador Bong ay napakalinaw. Hindi dapat madiin sa kasong plunder ang aktor dahil pineke lang naman ng isa nilang kasamahan ang mga pirma ng senador sa mga endorsement letters na hawak ni Gng. Janet Napoles.

Umiiyak na sinabi ni Ms. Marina Sula na kitang-kita nito nang pirmahan ni Benhur Luy ang mga sulat na ipinadala sa mga NGO’s ni Gng. Napoles. At kung pineke nga lang ang pirma ng senador ay bakit siya ang kailangang madiin sa isang pinekeng transaksiyon na gamit ang kanyang pangalan?

Apat na mahahabang taon ng pagkakulong sa isang napakainit na lugar. Apat na taong pamumuhay nang malayo sa kanyang pamilya, mga kaibigan at taga-suporta. Nakapanghihinayang ang apat na taong ninakaw kay Senador Bong kung ganyan naman pala kalinaw ang senaryong nagdiin sa kanya na wala siyang dapat panagutan.

Kung tutuusin ay limang taon nang nagdurusa ngayon ang aktor-pulitiko. Bago pa siya ikinulong ay winasak-wasak na ang kanyang pangalan. Isang buong taon muna ang pagsira sa kanyang pangalan ang kanyang natikman.

Umaasa ang mga tagasuporta ni Senador Bong, lalo na ang kanyang pamilya, na bibigyan ng bigat ng Sandiganbayan ang mga testimonyang naglilinis sa pangalan ng aktor-pulitiko.

Harinawang pakinggan ng mga lumilitis sa kanyang hinaharap na kaso ang matinding rebelasyon ng mga witness ng prosekusyon. Sinabihan silang idiin ang senador, sinabihang sundan lang ang mga pahayag ni Benhur Luy na puro kasinungalingan, pero merong nagkaroon ng kunsensiyang magsabi ng katotohanan.

Malapit na nga ang umaga para kay Senador Bong. Kung kailan daw pina­kamadilim na ang gabi ay du’n na malapit sumikat ang araw.

vuukle comment

BONG REVILLA

JANET NAPOLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with