^

PSN Showbiz

Eugene hindi pinanghinayangang nawalan ng show

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Eugene hindi pinanghinayangang nawalan ng show
Eugene

MANILA, Philippines — Makabalik pa kaya sa GMA 7 si Eugene Domingo ngayong magtatapos na ang programa niyang Celebrity Bluff na papalitan ng The Clash?!

May isa pa siyang natitira, ang Dear Uge, na ayon sa source ay malamang daw na hindi na rin magtatagal sa ere.

Grabe raw kasi ang naging attitude ni Ms. Eugene. Ang daming demand at iba rin daw talaga, tinalo pa diumano ang mas sikat na mga beteranong artista. As if parang superstar ang pakiramdam tulad sa naunang kuwento ng source.

At kung tumalak daw ito sa mga staff kahit maliit na bagay lang, wow, wagas na wagas. Kaya naman nang malaman daw na mawawala na ang show, walang nalungkot na staff.

Sa pelikula, makabalik pa kaya ang komedyana?

Sobra-sobra noon ang pagkadismaya niya sa pelikulang Barber’s Tale na napuri nga sa mga international film festival pero wala namang nanood nang ipalabas dito sa atin.

Parents ni Nadine kinasal uli, naka-25 years na

Nag-celebrate ng silver anniversary ang parents ni Nadine Lustre days ago.

Nagkaroon ng renewal of vows at ang gaganda ng photos na kumalat sa social media.

Imagine 25 years na palang kasal ang parents ni Nadine.

Bukod sa nawalan ng isang kapatid si Nadine last year, gumaling ang nanay ng actress sa breast cancer. Two years umanong nakipaglaban ang nanay ni Nadine sa nasabing sakit bago tuluyang gumaling.

Mark sinuwerte nang maging bi!

Kahit na nga naging kontrobersiyal sa pag-amin na isa siyang bisexual, parang gumanda naman ang takbo ng career ni Mark Bautista. Ito at bibida siya sa Eto na! Musikal nAPO na magtatampok ng musika ng premyadong gru­pong Apo Hiking Society na sumikat noong ‘80s, ng Globe LIVE at 9Works Theatricals.

Yup, matapos ang matagumpay na pagpapalabas ng musical productions tulad ng Disney’s Newsies, A Christmas Carol, at Green Day’s American Idiot nagbabalik sila para sa isa na namang musical na siguradong magpapasaya sa mga manonood, ang Eto na! Musikal nAPO!

It’s always been a dream of mine to take an original and look at what we can do to help support Filipino theatre. With the success of Newsies, I think we’ve accomplished our first mission: establishing that the Globe LIVE - 9Works combination can do Broadway. We want to bring that same, creative thought-process, that same production partnership to a local production, to Eto Na! Musikal nAPO!” pahayag ni Joe Caliro, Senior Advisor for Creative Marke­ting & Multimedia Businesses and Executive Producer ng Globe Live.

Ang Eto na! Musikal nAPO! ay isang romantic comedy kung saan pitong magkakaibigan ang ninais sumali sa isang patimpalak sa kantahan at komposisyon sa kanilang kolehiyo.

Hindi magiging madali ang pagsali nila sa kumpetisyon dahil sa sari-sariling pananaw kung papano gagawa ng kanta at kung sino sa kanila ang pinakanararapat na gumawa ng lyrics.

Masusubukan din ang kanilang kakayahan at katatagan dahil sa problema at isyu sa kanilang mga kasintahan, magulang at pag-aaral, at idagdag pa ang gulong politikal na dulot ng Martial Law. Kilala naman bilang isang mahusay na singer at artista si Mark. Napanood na rin siya sa teatro at isa sa natatangi niyang pagganap ay bilang si dating pangulong Ferdinand Marcos sa Here Lies Love na likha ni David Byrne at Fatboy Slim na itininanghal sa London.

Ilan sa mga kanta ng Apo Hiking Society na hindi malilimutan ay  Batang Bata Ka Pa, Awit ng Barkada,  Mahirap Magmahal Ng Syota Ng Iba,  Bawat Bata, When I Met You,  Doo Bidoo Bidoo  at marami pang iba.

Anyway, ngayon daw ay career muna si Mark at wala pang karelasyon. 

vuukle comment

MARK BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with