^

PSN Showbiz

Jolo moving on na sa hiwalayan nila ni Jodi

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jolo moving on na sa hiwalayan nila ni Jodi
Jodi at Jolo

Walong taon nang magkarelasyon ang sina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla, at kamakailan nga ay pumutok ang balitang nagkahiwalay na diumano ang magkasintahan.

Para kay Jolo ay maayos na ang lagay ng puso niya ngayon. “Ayos naman, getting there,” makahulugang bungad ni Jolo. “All I can is that, ang masasabi ko, binigay niya sa akin. Kumbaga, nilabas niya ‘yung best sa akin. Wala akong masasabi tungkol sa kanya,” dagdag ng actor-politician.

Para kay Jolo ay naging responsableng tao siya nang dahil sa aktres. “She made me a more responsible person, mahal ko ‘yon. Basta ‘yon na lang, mahal ko ‘yon,” giit niya. Unti-unti na umanong nakamu-move on si Jolo mula sa naging relasyon nila ni Jodi. “That’s one step at a time. I’ll be focusing on myself first. Basta naniniwala ako na si Lord ang bahala kung saan kami humantong,” pagtatapos ng aktor.

Loisa walang pakialam sa lantarang ka-sweetan nila ni Ronnie

Masayang-masaya sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa samahan nila ngayon. Ayon sa dalawa ay talagang nai-enjoy nila pareho ang bawat oras na magkasama sila. “Kaming dalawa okay naman, masaya kami. Walang problema, problema man tulog at pahinga pero ini-enjoy ang namin na lagi kami nagkikita at may time kami sa isa’t isa,” nakangiting pahayag ni Ronnie.

“Masaya naman, parang di kami nag-aaway kaya masaya ako dahil nag-e-enjoy lang kami, and iba pa rin talaga ‘pag magkasama,” dagdag naman ni Loisa.

Sobrang sweet nina Ronnie at Loisa sa isa’t isa kaya naman marami ang nakapapansin nito sa mga larawan ng LoiNie sa social media.

May ilang netizens ang nagsasabing PDA o madalas umanong may public display of affection na ang dalawa. “Sa akin kasi wala naman akong pakialam dahil ba porke artista kami, hindi na kami pwede maging sweet? Eh ‘yung mga mag-jowa nga diyan sa paligid ko mas malala pa eh,” paliwanag ni Loisa.

“Dahil siguro kasi artista kami kaya ganun sila. Pero sa akin, hindi ako naapektuhan kasi para sa akin normal na tao pa rin kami. Kung paano man kami maglambingan. ‘Yon ‘yung nararamdaman namin eh. ‘Yon ang mahirap sa buhay namin eh. Hindi kami pwede kumilos na kakaiba kasi ang daming husga ng tao. Pero siguro kung ano ‘yung nakikita nila sa aming dalawa, nasa kanila na ‘yon,” giit pa ng aktres.

vuukle comment

JODI STA. MARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with