^

PSN Showbiz

Sofia moved on na kay Diego, nakikipag-date na sa iba!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sofia moved on na kay Diego, nakikipag-date na sa iba!
Sofia

May bagong nakikipag-date na raw ngayon kay Sofia Andres. Matatandaang si Diego Loyzaga ang huling naugnay sa aktres. 

“I’m dating someone else but it’s dating lang naman. Because for me, my parents are also strict, they want me to experience things din naman. Like, ‘You’re dating someone? Okay, but don’t rush things,’” pagbabahagi ni Sofia. 

Ayon sa dalaga ay naka-move on na siya mula sa na­ging relasyon nila ni Diego. “Pinagpawisan ako, move on na lang. It’s fine na eh,” giit ni Sofia. 

Wala nang pakialam ang aktres sa kung ano mang intriga ang kinasasangkutan ni Diego sa ngayon. “Honestly, I don’t see anything pa but Diego knows naman what to do. I mean I don’t care about his personal life. I don’t say something about his personal life on social media. Diego knows na what he did,” paliwanag ni Sofia. 

Samantala, kontrobersyal din ang aktres sa ilang mi­yembro ng press. Nagsimula ito nang hindi raw pansinin ng dalaga ang ilang gustong mag-interview sa kanya sa isang event kamakailan. “Lagi naman pong gano’n, sanayan lang. ‘Pag nakikita ko sila, I just say ‘Hi!’ pero natatakot na nga ako eh,” natatawang pagtatapos ni Sofia.

 Vina nagpasalamat sa mga sumuporta sa kaso

Masayang-masaya si Vina Morales dahil sa resulta ng kidnapping case na isinampa laban sa ama ng anak na si Cedric Lee. Guilty beyond reasonable doubt ang naging hatol kay Cedric ng Mandaluyong City Regional Trial Court sa nasabing kaso kamakailan. 

“I’m just happy na ‘yung lumabas is in our favor. I’m thankful to God because I’ve been praying for that and hopefully matapos na, nakakapagod. I am looking forward na sana matapos na ‘yung ganitong issue. I’m happy and thankful sa mga taong sumusuporta sa akin lalo na pamilya ko at sa lawyer namin,” nakangiting pahayag ni Vina. 

Nagpapasalamat ang aktres dahil inosente pa ang kanilang siyam na taong gulang na anak ni Cedric na si Ceana sa mga naging hindi pagkakaunawaan ng dating magkasintahan. “She’s very okay now. She’s back to school and I am happy na medyo okay na ‘yung feeling niya. But of course she’s still a baby. Bata pa naman ‘yung anak ko. Hindi pa niya masyado maintindihan or medyo ina-underestimate ko ‘yung age ng mga bata ngayon but she’s very bright,” pagbabahagi ni Vina. 

Kahit nagkaroon ng gulo sa pagitan ng aktres at Cedric ay hindi naman daw pinaghihigpitan ni Vina si Ceana. “I am not strict with my daughter. I want to make sure na nasa tama lang. I try to give her the best. Mahirap nga lang maging perfect. Hindi naman ako perfect pero tina-try ko na maibigay lahat ng mga kailangan niya. For now naman hindi pa naman gano’n kabigat ‘yung mga kailangan kong ibigay sa anak ko kundi oras, pagmamahal at quality time siyempre,” pagbabahagi niya.

vuukle comment

DIEGO LOYZAGA

SOFIA ANDRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with