^

PSN Showbiz

Fresh breed Na mga pelikulang Tagalog susubok sa New York Filmfest!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Fresh breed Na mga pelikulang Tagalog susubok sa New York Filmfest!
Anne

PIK: Ang bongga naman pala ni Anne Curtis. Dalawang pelikula niya ang mapapanood sa New York Asian Film Festival 2018 na magsisimula na sa June 29.

Ang bagong action film niyang Buy Bust ni direk Erik Matti at ang Sid & Aya (Not a Love Story) ni direk Irene Villamor.

Ang sabi nga, mga fresh breed of Filipino Films ang mapapanood sa naturang festival, dahil bukod sa mga nabanggit, mapapanood din ang classic na ring action film na On the Job ni Erik Matti, kasama ang Neomanila ni Mikhail Red, Respeto ni Treb Monteras II, at ang We Will Not Die Tonight ni Richard Somes.

Itong Buy Bust ni Matti ay magkakaroon ng world premiere sa NYAFF, pati ang We Will Not Die Tonight ni direk Somes.

Kaya inaasahang dadalo ang mga nabanggit na direktor kasama ang producer ng Reality Films na si Dondon Monteverde at ang bida ng Respeto, and Urian Best Actor Abra.

Lahat sila ay suportado ng International Film Festival Assistance Prog­ram ng Film Development Council of the Philippines ni Chairperson Liza Diño.

PAK: Madamdamin ang mga mensaheng ipinarating ng mga anak ng da­ting Sen. Bong Revilla at Mayor Lani Mercado pagkatapos nilang dumalo sa nakaraang hearing ni Sen. Bong sa Sandiganbayan.

Hindi ko lang nakuha ang latest update pero ang pagkakaalam ko kahapon (Huwebes) na siya uupo sa witness stand si Sen. Bong at matagal na siyang handang harapin ang korte para mapakinggan ang kanyang panig at sabihin ang buong katotohanan.

Pero ang pinakamahalaga para sa kanya ay buo ang suporta ng buong pamilya at nandun ang mga malalapit na kaibigan.

Si Manay Lolit Solis nga ay lalong nalulungkot dahil nung dumalo ito nung nakaraang Martes June 26, pawang “no” naman daw ang sagot ng witness ng prosecution. Bakit umabot pa ng apat na taong pagkakakulong gayung wala naman pala silang maipakitang sapat na pruweba, at pawang “no” naman ang sagot sa pagkakasangkot sa ibinibintang sa dating senador.

Pero sabi nga ni Sen. Bong, lalo itong nagpatibay sa kanya at naniniwala siyang ibibigay ng Diyos ang tamang panahon para sa kanya.

Sa totoo lang, ang dami nang nami-miss siyang mapanood sa pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival.

Yun naman ang gustong gawin ni Sen. Bong pag makalabas na siya, ang makagawa ng pelikulang posibleng ilahok sa MMFF.

Speaking of MMFF, ia-announce na pala ngayong araw ang apat na script na napiling pasok sa MMFF 2018.

Abangan natin yan!

BOOM: Nasa Amerika pa kasi ako, kaya ang tagal nang sagutan namin sa text ni James Yap pagkatapos niyang i-announce ang pagluwal ni Michela Cazzola sa kanilang baby girl na si Fran­cesca Michelle.

Tamang-tama lang daw na dumating na ang mga magulang ni Michela, kaya kasama rin sila sa pagsalubong sa bago nilang apo.

Sabi lang ni James, ngayon lang daw niya ma-experience ang magkaroon ng baby girl na anak kaya kakaiba raw ang excitement.

Hinahayaan daw muna niyang si Michela ang mag-decide kung kailan nila ipapakita ang mukha ng bago nilang bagets.

Pero gandang-ganda si James sa baby na parang mas malapit daw kay Michela.

Pinutakti naman ng pagbati si James mula sa   friends niya sa basketball, sa showbiz at mga private friends.

Saka na raw namin pag-usapan ang tungkol naman sa planong pagpasok niya sa pulitika.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with