^

PSN Showbiz

John Lloyd kinalimutan na ang mga kaibigan

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd kinalimutan na ang mga kaibigan
John Lloyd

PIK: Inaasahan ni Bacoor Mayor Lani Mercado ang suporta ng national government kung magiging annual event na ang Bacoor International Music Championships na sinimulan niya rito sa atin nung nakaraang June 22 hanggang 24.

Successful ang naturang international competition na kung saan sumali ang marching bands ng Hong Kong, Japan, Malaysia, Thailand at Indonesia.

Nagpakitang-gilas din ang marching band ng Bacoor, dahil ito naman talaga ang ipinagmamalaki nila, kaya tinagurian ang naturang lungsod na Marching Band Capital of the Philippines.

Emotional nga si Mayor Lani nang pinanood niyang nagpi-perform ang marching band ng Bacoor dahil lumaban ito sa magagaling na banda ng ibang Asian countries.

“I hope, the national government will support this event. Nakikita naman natin na talagang marching bands. Saka i-level up naman ho natin ang performance level ng mga marching bands nationwide,” pahayag ni Mayor Lani.

PAK: Hindi naman nakakalimot ang mga close friend ni John Lloyd Cruz sa showbiz nang ipinagdiwang nito ang kanyang 35th birthday nung nakaraang Linggo, June 24.

Isa si Joross Gamboa ang nagparating ng birthday message para kay Lloydie na hindi pa raw niya nakakausap hanggang sa ngayon.

Sabi lang ni Joross; “Happy birthday Bro. Ang wish ko lang sa birthday mo ay good health para sa iyo at sa iyong family.”

Wala raw ibinabalita sa kanila si John Lloyd tungkol sa panganganak ni Ellen Adarna. Pero kung sakaling alukin daw siyang mag-ninong sa baby nina Lloydie at Ellen, gustung-gusto niya. Pero nasa kaibigan naman daw niya iyun kung isasama siya.

Tahimik ngayon si John Lloyd sa kanyang Instagram account, at si Ellen naman ay tila dineactivate na  naman niya.

Kaya hindi na sila gaanong na-update kung nakapanganak na ba ang sexy actress o naghihintay pa rin.

BOOM: Ngayon pa lang ay pinaplano na ng mag-asawang Mayor Richard Gomez at Cong. Lucy Torres-Gomez ang debut ng nag-iisang anak nilang si Juliana sa September 8.

Simple lang naman daw ang gusto ni Juliana.

Ayaw daw niya ng traditional debut party na pormal na pormal, may cotillion, may 18 roses, at first at last dance.

Wala raw ganun sabi ni Juliana dahil sa panahon nila ngayon, tingin niya hindi na ito nauuso.

Gusto raw niya ay iyung kumportable ang lahat na guests na imbitado lalo na ang mga kaibigan niya.

Sabi ni Cong. Lucy; “I wanted her to have the kind of party that she wants to have. After all, it’s her birthday.

“She just wants a party where she and her friends can have fun. And walang pressure na they must do this, they must do that.”
Hindi naman daw ito mahalaga sa ngayon para kay Juliana.

Ang gusto lang niya ngayon ay makapagtapos ng kursong Mass Communications at sana makapag-aral daw siya ng Filmmaking sa ibang bansa.

Supotado naman ng mag-asawang Goma at Lucy ang lahat na gustong gawin ni Juliana.

Ang hindi lang ready ang mag-asawa lalo na si Mayor Goma ay ang magka-boyfriend si Juliana.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with