^

PSN Showbiz

Rufa Mae at anak sa Amerika na titira

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Rufa Mae at anak  sa Amerika na titira
Rufa Mae & family

Hindi pa man nangyayari at malayo pang mangyari pero, ngayon pa lamang ay nalulungkot na si Rufa Mae Quinto kapag naiisip na kinakailangan niyang iwan ang Pilipinas at lahat ng bagay na nakapagpaligaya sa kanya.

May asawa na siya na nagtatrabaho sa Amerika para masi­guro ang magandang kinabukasan nila ng kanyang anak.

Madalas umuwi ito dito pero, hindi nakasasapat para maibsan ang pangungulila niya. Kapag nagbunga ang pagsisikap nito ay dun sa malayong bansa nito sila dadalhin ng kanyang anak para mamuhay. Hindi naman maaring dito ito magtrabaho para magkasama-sama sila dahil dun na nito nasimulang magbuo ng kanilang buhay. Ang tanging magagawa niya ay hintayin na magbunga ang lahat ng pagsisikap nito at pagkatapos ay sasama na sila dito.

Wala naman masyadong magiging problema dahil American citizen na ang kanyang anak at siya naman ay asawa na ng isang Amerikano. Pero, bago pa siya malunod sa kalungkutan sa napipintong malaking pagbabago sa kanyang buhay, ini-enjoy na rin niya ang kanyang trabaho sa Kapamilya Network kasama ang mga bago niyang Kapa­milya. Nabalikan na niya ang kanyang pagpapatawa at malaking bonus pa ang mga pagkakataong tinatanggap niya para maipamalas na hindi lamang pagpapaseksi at pagpapatawa ang kaya niyang gawin. 

Nagulat pa ang marami niyang supporter nang makitang pwede pala siyang mag-drama. Wala namang nagsabi na trying hard siya sa ginampanam niyang role sa pinakahuling episode ng Maalaala Mo Kaya

Bagaman at nanibago siya sa kanyang role nagsilbing hamon ang kanyang guesting sa pinaka-pangunahing drama anthology ng bansa para ipamalas na mayro’n pa siyang ibang kayang gawin na kapag napagbuti niya ay magsisilbing isang magandang alaala na maiiwan niya sa kanyang pag-alis.

Donny at Kisses natural ang sweetness

Mukhang ang mga bagets na sina Donny Pangilinan at Kisses Delavin ang pinaka-huling pareha na magpapakilig sa maraming tagasubaybay ng local showbiz. Kakaibang chemistry ang nakita sa kanila nang mag-guest sila sa Tonight With Boy Abunda

Kapag nadala nila ito sa kanilang unang pagsasama sa Walwal, malaki ang magiging ambag nila sa box-office ng movie. Bentahe pa ng bagong tandem ang pagiging parang totoo ng kanilang sweetness. Mukhang totoo na may nararamdaman sila sa isa’t isa at hindi put on.

Andi nagbago ang ugali

Mukhang maganda naman ang ibinabadya ng nakikitang pagbabago ng ugali ni Andi Eigenman. Matapos ang pagpayag niya na makasama ang anak niyang si Ellie sa graduation ng ama nitong si Jake Ejercito sa Singapore na kung saan ay nakatapos ito ng Master’s Degree sa Marketing with honors pa na nasabay din sa kanyang kaarawan, binigyan-linaw din nito ang matagal na hindi paggawa ng project.

Pinabulaanan nito na hindi niya iiwan ang pag-aartista niya, naging mapili lamang siya sa pagtanggap ng mga role. Pero itong Maid in London na tungkol sa isang OFW ay nagustuhan niya kaya nagpasyang umarteng muli, sa kasiyahan ng mga fans niya, lalung-lalo na ng kanyang i­nang si Jaclyn Jose na nanghihina­yang sa talentong ayaw niyang pakinabangan.

Jodi at Valerie, iisa ang pangarap

Sa kabila ng kaabalahan niya sa kanyang pag-aartista, nagawa rin ni Valerie Concepcion na makapagtapos ng kursong Bachelor of Arts in Psychology sa Arellano University. 

Malaking pasasalamat niya sa nag-impluwensya sa kanya  para magtapos ng kolehiyo na pwede niyang ituloy sa pag-aaral ng medisina kung gugustuhin niya. Kapag nagkataon, dalawa na sila ni Jodi Sta. Maria na mga artistang pwedeng maging doktor in the future.

vuukle comment

RUFA MAE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with