^

PSN Showbiz

Paolo may pinagawa na naman sa mukha!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Paolo may pinagawa  na naman sa mukha!

TNT balik-ere na

SEEN: Absent kahapon si Paolo Ballesteros sa Eat Bulaga. Katatapos lang ng bagong beautification project ni Paolo, ang eyebrow embroidery sa kanyang mga kilay para gumanda ang hugis nito.

SCENE: Nagsimula kahapon ang Season 3 ng Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime ng ABS-CBN. Nakaapekto sa ratings ng It’s Showtime ang pagwawakas ng Season 2 ng Tawag ng Tanghalan kaya ibinalik agad ito.

SEEN: Si Dulce ang bagong miyembro ng mga hurado ng Tawag ng Tanghalan. May karapatan si Dulce na maging hurado, kumpara sa ibang mga hurado ng nasabing singing competition.

SCENE: Kahapon ang unang araw ng taping ni Judy Ann Santos para sa bagong television series niya sa ABS-CBN, ang Starla.

SEEN: Wala nang kulay ang buhok ni Xian Lim dahil nakunan na ang lahat ng mga eksena niya sa Twenty Again, Miss Granny, ang unang movie team up nila ni Sarah Geronimo. Record producer ang role ni Xian sa unang pelikula niya sa Viva Films.

SCENE: Nagsimula kahapon ang weeklong 11th anniversary show ng Umagang Kay Ganda, ang early morning program ng ABS-CBN.

SEEN: Ang graceful na pagsasayaw ni House Representative Lucy Torres-Gomez sa Pinya Festival ng Ormoc City noong Linggo. Kasama ni Lucy sa pagsasayaw ang kanyang asawa, si Ormoc City Mayor Richard Gomez. Ipinagmamalaki nina Richard at Lucy na mula sa Ormoc ang pinakamatamis na pinya.

SCENE: Mahigpit na ipinatutupad ni Richard Gomez sa Ormoc City ang mga batas laban sa paninigarilyo. Pangarap ni Richard na maging numero uno ang Ormoc City bilang non-smoking city sa buong Pilipinas.

SEEN: Dadalo si Anne Curtis sa back-to-back premiere ng Buy Bust sa New York Asian Film Festival at screening ng Sid & Aya (Not A Love Story) sa July 15.

vuukle comment

IT’S SHOWTIME

PAOLO BALLESTEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with