^

PSN Showbiz

Bilyonaryo nga, sakitin naman, Kris at Vice suki ng hospital!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Bilyonaryo nga, sakitin naman, Kris at Vice suki ng hospital!
Vice Ganda at Kris

Para ring si Kris Aquino si Vice Ganda na kalalabas lang ng ospital. Kaya naman pala absent ito ng ilang araw sa It’s Showtime ay dahil nagkasakit ito. Work to death tuloy ang mga naiwang co-host ng noontime show to compensate for their absence.

Dapat lang naman talagang unahin ni Vice ang health niya, tulad din ng ginagawa ng Queen of all Media dahil kung hindi ay mapupunta lamang sa wala ang matatagumpay nilang karera na nagbibigay sa kanila ng mil­yones o bilyones.

Sino ba ang mag-aakala na mabubuhay muli ang karera ni Kris matapos siyang mawala sa pinakamalaking TV station sa bansa sa pamamagitan ng maraming produkto na nag­titiwala sa kanya para iendorso. ‘Yun nga lang, madalas siya atakihin ng alta presyon. Balanse marahil ‘yun ng panahon na no amount of money can assure anyone of a perfect health. Ayan nga rin si Vice na namimigay ng pera sa mga nangangaila­ngan, hindi makaiwas na tamaan ng sakit. Kaoopera lamang niya pero, pumasok muli ng ospital para sa isa pang gamutan. Tsk. Tsk. Tsk.

Bayani hinihintay mapatawa si Richard

Nahirang man si Bayani Agbayani bilang Best Comedy Actor sa dalawang magkakasunod na taon ng Golden Dove Awards, hindi pa rin siya kumbinsido ng 100% sa pagpapatawang ginagawa niya sa Sana Dalawa ang Puso dahil hindi pa niya napatawa kahit minsan ang co-star niya dito na si Ri­chard Yap.

Ito ang nagsisilbing pinakamalaking challenge niya sa serye dahil ang lahat niyang kasamahan sa show ay tinatanggap ang mga joke niya maliban sa tsinitong aktor. Pero, umaasa pa rin ang ama ng tatlong anak na babae na ang pangalan ay kuha lahat sa mga telenovela na paborito ng kanyang asawa na Thalia, Rosalinda at Marimar, na isa sa mga araw na ito ay mapapangiti niya ang isa sa dalawang bidang lalaki ng Sana Dalawa ang Puso Ko.

Jolo bitin pa rin ang sagot sa hiwalayan nila ni Jodi

Bakit si Vice Governor Jolo Revilla lamang ang salita nang salita sa social media tungkol sa hiwalayan nila ni Jodi Sta. Maria? Jodi has never opened her mouth about the issue. Kung ayaw ng pulitiko na mapakialaman tungkol dito ay manahimik na lang siya at ipaubaya sa aktres ang pagsasalita tungkol dito. O kung gusto niya ay magbigay na lamang siya ng formal statement kesa iniiwang nangangapa at walang alam ang mga follower nila ng aktres.

Napag-uusapan na rin lamang ang mga Revilla/Bautista brothers, nakapanghihinayang na baka lalong matagalan na makalabas sa PNP Custodial Center ang dating senador na si Bong Revilla, Jr. dahilan nahulihan daw ito ng cell phone.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with