^

PSN Showbiz

Dating bold star arestado sa droga

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dating bold star arestado sa droga
Brigette

Mayor Lani no comment sa hiwalayang Jolo at Jodi

PIK: Sa Vietnam nag-celebrate ang dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson ng kanyang 77th birthday kamakalawa lang.

Inaayos daw nila ang posibilidad na doon gagawin ang Miss Universe 2018 pero sinusubukan din daw ang Korea.

Ang wish lang ng Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach, sana malapit lang daw dito sa atin para madaling puntahan ng mga Pinoy.

Kailangan daw ng todong suporta sa kandidata nating si Catriona Gray na tingin daw niya ay malakas ang laban.

“I think that she has a very good chance, total package siya. Kapag sinabing total package, talagang wala kang maipipintas sa kanya,” pakli ni Pia Wurtzbach.

PAK: Matagumpay ang pagbubukas ng 1st Bacoor International Music Championships 2018 na ginanap sa Quirino Grandstand ng Rizal Park kahapon ng umaga.

Masayang ikinuwento ni Mayor Lani Mercado-Revilla na nakikita raw nila ang excitement sa mga participant sa naturang kumpetisyon.

May isang Asian country nga raw na nag-charter pa ng eroplano para sakyan ng mga participant dahil sasalihan daw nila ang lahat na category.

“Nakakagulat yung support ng marching community ng Asia,” sabi ni Mayor Lani.

Dahil sa musika na rin lang ang napag-usapan, natanong na rin kay Mayor Lani ang nakakahiligan daw ngayon ni Vice Governor Jolo Revilla na pagsulat ng mga kanta.

Nagulat nga raw siya ngayon kay Jolo na mukhang inspired daw ngayon sa pagsulat ng mga awitin.

Saad ni Mayor Lani; “Marami siyang tula na nagagawa. Maraming hugot, maraming inspirasyon. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ito.

“Nagugulat ako sa mga ginagawa niya. Hindi ko na mabilang. Kapag may natapos siya, pinaparinig niya sa akin. May ni-record na siya na isang awitin, Hindi ko alam kung magiging album ito.”

Hindi raw niya alam kung saan humuhugot ng inspirasyon ang kanyang anak, pero nakakatuwa raw na may ganun itong talent.

Pero nang tinanong tungkol sa break-up nina Jolo at Jodi, hindi na siya nagbigay ng komento.

“Aware po ako dun.

“Wala po akong masasabi. Wala po akong ikukumpirma. Mabuti sila na ang tanungin nyo. Matatanda na po sila,” safe na sagot ni Mayor Lani.

BOOM: Pagkatapos makalabas ng kulungan ang mga dating bold star na sina Krista Miller at Sabrina M., may ipinasok na naman ngayon, si Brigette de Joya.

Michelle Comstock ang tunay na pangalan ni Brigette na nahulihan ng walong sachet ng suspected shabu at limang improvised tooters sa San Fernando, Pampanga. May nakita rin daw itong dalawang plastic bottle ng softdrinks na may halong suspected illegal substance. Kasama raw nito ang boyfriend niyang si Mariano Camacam na kasama niyang naka-detain pa rin hanggang ngayon.

Ang huling isyung kinasangkutan noon ni Brigitte ay nung nagsumbong itong binubugbog daw ito ng dati niyang asawang nag-aartista ring si Miguel Moreno.

Matagal na pala silang hiwalay, at ang pagkakaa­lam namin, nagta-taxi driver na itong si Moreno.

Pero hindi pa rin pala nakatakas sa dating bisyo itong dating bold star ng Seiko Films.

vuukle comment

BRIGETTE DE JOYA

LANI MERCADO-REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with