^

PSN Showbiz

Aktres na wagas kung ilihim ang relasyon nila ng aktor

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nag-advance taping ang isang aktres para sa kan­yang weekly television show dahil magbaba­kas­yon sila.

Hindi sinabi ng aktres ang kasama niya sa inililihim na bakasyon pero malakas ang duda na ang kanyang actor-boyfriend ang escort niya.

Malihim na malihim ang aktres sa lovelife nito at tama ang kanyang ginagawa para hindi pagpistahan ng publiko ang relasyon nila ng aktor na hinuhulaan na magiging asawa niya.

Knows ng aktres na maraming relasyon sa show­biz ang hindi nagtatagal dahil masyadong high-profile. Mabuti nang tahimik siya tungkol sa mga nangyayari sa love affair nila ng aktor para hin­di ito intrigahin ng mga tao na happiness na ang wasakin ang relasyon ng mga showbiz couple.

Maine bibida ng isang buwan

One month na mapapanood si Maine Mendoza sa Daig Kayo ng Lola Ko dahil mataas ang rating ng guesting niya noong May 27 sa Sunday evening program ng GMA 7.

Ang manager ni Maine na si Rams David ang nagkuwento sa akin tungkol sa offer ng GMA 7 na month-long guesting ng kanyang alaga sa Daig Kayo ng Lola Ko.

At least, successful ang negosasyon kaya tuwang-tuwa ang fans ni Maine na looking forward sa isang buwan na pagbibida niya sa apat na episodes ng children fantasy drama anthology ng Kapuso Network.

Marco meaty ang mga nasungkit ng role

Hindi nagkamali si Marco Gumabao sa desisyon nito na mag-ober da bakod sa Viva Artists Agency dahil sunod-sunod ang mga pelikula na ginagawa niya.

Hindi pa tapos ang shooting ni Marco para sa love story movie na Para sa Mga Broken Hearted, co-star siya ni Anne Curtis sa Aurora at isa sa mga leading man ni Nadine Lustre sa Ulan.

Hindi basta kasali si Marco sa mga pelikula dahil meaty at challen­ging ang mga role niya. Ang makagawa ng mga pelikula at mag-le­vel up ang kanyang showbiz career ang mga dahilan ni Marco sa paglipat niya sa talent management agency ng Viva Entertainment at hindi siya nagkamali ng pasya.

Sure ako na proud father si Dennis Roldan sa mga achievement ng kanyang anak na sinusundan ang mga yapak niya sa showbiz.

Alexander mas minahal ng mga Pinoy

Nami-miss na si Alexander Lee ng kanyang Pinoy fans dahil matagal nang hindi napapanood sa TV ang Korean actor mula nang mag-babu sa ere ang My Korean Jagiya noong  January 12, 2018.

May kontrata pa si Alexan­der sa GMA Ar­tist Center kaya tiyak na babalik pa siya sa Pilipinas.

Bakasyon grande muna si Alexander sa Greece pero tiniyak niya na ma­ka­kadalo siya sa Philippine In­dependen­ce Day ce­lebration sa Seoul, South Korea noong June 14.

Matagal na nanirahan si Alexander sa Pilipinas para sa taping ng My Korean Jagiya kaya malawak na ang kaalaman niya tungkol sa Philippine culture.

Tuwang-tuwa kay Alexander ang mga Pinoy na dumalo sa Independence Day cele­bration sa Lotte Hotel dahil sa kanyang suot na Barong Tagalog. Lalong nakuha ni Alexander ang paghanga at respeto ng mga kababayan natin sa Korea dahil sa pagmamahal na kanyang ipinakita sa ating bansa.

Thank you Papa Miguel…

Naku Mama Salve, talagang sa lahat ng yaya ako ang pinaka-bongga. Ima­gine, nag-feeling nanny ako kay Meme at Roselle Monteverde, sa Belmonte brothers Kevin, Isaac at Miguel. Pero ang talagang isa sa pinaka-precious sa akin ay everytime na binabati ako ni Papa Miguel dahil alam ko kung gaano siya ka busy pero lagi siyang may time na bigyan ako ng something with matching note pag Pasko at birthday ko.

At alam mo ba Mama Salve na unang invitation ko para mag-health trip sa The Farm ay kay Papa Miguel galing? Talagang inalok niya ako para ma­ging healthy.

For that alone, sa kabaitan sa akin ni Papa Miguel kahit sino pa ang tumakbo sa Quezon City, si Joy Belmonte ang pipiliin ko bilang Mayor dahil iba magmahal ang mga Belmonte. Very family ang tu­ring nila sa mga nagtra-trabaho sa kanila.

Papa Miguel thank you for always making me feel so especial, love you, love the Belmontes.

vuukle comment

DAIG KAYO NG LOLA KO

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with