^

PSN Showbiz

Kris nakabalik na sa dating kapamilya

Pilipino Star Ngayon
Kris nakabalik na sa dating kapamilya

Parang nakikinita na namin kung ano ang nararamdaman ni Kris Aquino kahapon nang pagkatapos nang magtatatlong taon na ngayon ay muli siyang yumapak sa balwarte ng ABS-CBN.

Hinahanap natin ang lugar na nakasanayan na nating pamugaran sa araw-araw, hinahanap natin ang kapaligirang mahabang panahon nating inikutan, kahapon ang unang pagtapak uli ni Kris sa bakuran nang ganapin ang presscon para sa pelikula nila nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa Star Cinema.

Kaipokritahan kung sasabihin ni Kris na hindi niya na-miss ang bakuran ng Dos. Plastic si Kris kung sasabihin niya na hindi niya hinahanap ang amoy ng kapaligirang dekada niyang pinagtrabahuhan.

Hinahanap-hanap niya ‘yun. Pati ang mga dati niyang katrabaho ay miss na miss din niya. Si Kris pa naman, ang kanya ay kanya, ang hindi ay deadma lang.

Kaya napakagandang isipin na pagkatapos nang mahigit na dalawang taon ay muli siyang pumasok sa network na dating pinagreynahan niya. Masarap ‘yun sa pakiramdam. May mga pagbabago sa kapaligiran pero ‘yun pa rin ang bakurang naging pangalawa niyang tahanan nu’ng mga nakaraang panahon.

Maraming nagtatanong sa amin kung ang pelikula bang ginagawa niya sa Star Cinema ang pinakasenyal ng muli niyang pagbabalik sa ABS-CBN? Hanggang sa pelikula lang ba ‘yun o kasali rin sa kanilang pinag-usapan ang muli niyang paggawa ng show sa network?

Umaasa ang mga loyalista ni Kris na sana nga ay magbalik-telebisyon na siya dahil wala namang makapapantay sa galing niyang magdala ng programa. Kanyang-kanya ang balwarteng ‘yun anuman ang sabihin ng iba na wala nang naghihintay na posisyon sa kanya sa istasyon.

Ibang klase pa ring mag-host si Kris, kahit walang kabagay-bagay na isyu ay nagagawa niyang interesante, binoldyak lang siya ng kapalaran pero hindi malayong makabalik pa rin siya sa ABS-CBN.

Sana nga. Kahit sinong nag-iwan ng marka at bakas ay siguradong may babalikan.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with