^

PSN Showbiz

Miss Manila candidates ipakikilala ni Erap

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Miss Manila candidates ipakikilala ni Erap
Erap

Ngayon ang announcement ng official candidates ng Miss Manila 2018, ang annual beauty pageant ng City of Manila at ng MARE Foundation Inc.

Malalaman kung sino sa mga kandidata ang sumubok nang mag-join sa ibang mga beauty contest at hindi sumusuko hanggang magkaroon sila ng beauty title.

Ibinalik ni Manila City Mayor Joseph Estrada ang Miss Manila noong 2014 at mula noon, paganda nang paganda ang mga kandidata na deserving magwagi dahil matatalino sila.

May mga former candidate ng Miss Manila na nanalo sa ibang mga beauty pageant at may mga sumali sa mga national beauty contest na nag-win sa Miss Manila.

May transgender woman na nag-try noon na subukan ang kapalaran sa Miss Manila pero nag-back out dahil nabuking ng mga organizer ang secret niya.

Sa June 26 ang coronation night ng Miss Manila sa PICC Plenary Hall at every year, ina­a­bangan ito ng mga mahihilig sa beauty contest.

Susan lifetime ang kontrata sa RiteMED

Ire-renew ng RiteMed ang kontrata nila kay Manang Inday aka Susan Roces dahil very effective ito na endorser.

Sobra ang tiwala ng RiteMed kay Manang Inday as in parang lifetime na yata ang contract sa kanila ng multi-awarded actress.

Murang-mura ang mga gamot ng RiteMed na puwedeng-puwedeng itapat sa mga gamot na manufactured by ng giant pharmaceutical companies

Malaki ang tiwala ni Manang Inday sa mga produkto ng RiteMed dahil ang katwiran niya, bakit ka bibili ng mga gamot na mahal ang presyo eh murang-mura ang mga gamot ng RiteMed.

Hindi nakapagtataka na marami ang tumatangkilik sa mga gamot ng RiteMed na ini-endorso ni Manang Inday dahil pinagkakatiwalaan siya ng lahat. Hindi nag-eendorso si Manang Inday ng mga produkto na hindi niya personal na ginagamit o nasusubukan.

Amazing ni Dingdong ginastusan! 

Congrats kay Dingdong Dantes at sa staff ng Amazing Earth dahil mataas ang rating ng pilot episode nito noong Linggo.

Ang direktor na si Rico Gutierrez ang source ng good news na inabangan at pinanood ng televiewers ang bagong infotainment show ng GMA 7 hosted by Dingdong.

Courtesy of BBC ang mga ama­zing video na napanood sa Amazing Earth. Huwag n’yo nang tanungin kung magkano ang ginastos ng Kapuso Network para ma-acquire ang rights ng sikat na show ng BBC dahil mas mahalaga sa management ang kapakanan ng televiewers na maraming matutunan sa every Sunday evening program ni Dingdong.

Memorable kay Dingdong ang pilot telecast ng Amazing Earth dahil parang ito ang Father’s Day presentation ng GMA 7 at Father’s Day gift niya sa kanyang mga kapwa ama.

vuukle comment

JOSEPH ESTRADA

MISS MANILA 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with