^

PSN Showbiz

AiAi raraket muna sa eleksyon

Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
AiAi raraket muna sa eleksyon
AiAi

PIK: Maganda ang pagsisimula ng Amazing Earth ni Dingdong Dantes na napanood namin nung nakaraang Linggo, June 17 ng gabi.

Mukhang tuluy-tuloy ang suwerte ng aktor dahil maganda rin at patuloy pa ring pinapanood sa mga naiwang sinehan ang pelikula nila ni Anne Curtis na Sid and Aya.

Sana nga matuloy ang pang-Metro Manila Film Festival movie niya na sinabi rin niya sa nakaraang interview.

Eto na nga kaya ang kay Vice Ganda?

PAK: Proud si direk Carlo J. Caparas sa kanyang mga anak dahil sinusunod na rin nila ang mga yapak ng ina nilang si Donna Villa.

Masayang kinuwento niya sa programa namin sa DZRH nung nakaraang Linggo ng gabi na nagdidirek na pala ang anak niyang si Peach Caparas.

Bilang direktor, gamit daw ng anak niya ang pangalang Ysabelle Peach.

First project daw nito bilang direktor ang isang mainstream massacre movie na tungkol sa Chiong sisters sa Cebu, na pinamagatang Chiong Sister; Rape Murder. Hango raw ito sa kuwento ng magkapatid na Marijoy at Jacquilline Chiong na naging celebrated case sa Cebu dahil mga kilalang tao ang involved.

Todo raw ang suporta niya kay Peach bilang direktor. Sa katunayan siya nga raw ang Asst. Director sa pelikula.

Anyway, aminado si Direk Carlo na hindi pa rin siya nakapag-move on sa pagpanaw ni Tita Donna kaya work na lang daw siya ng work.

Ani direk Carlo J; “Nag-move on ako sa work ko, pero hindi pa rin ako nakapag-move sa nangyari sa amin ni Donna. Kaya dito na lang ako sa trabaho mag-move on.

“I hope matutuwa si Donna siguro dahil alam kong gusto niyang matulungan ang mga anak niya hanggang ngayon.”

BOOM: Gustong rumaket muna ni AiAi delas Alas sa darating na 2019 elections kaya tatapusin daw muna niya ito bago siya mabuntis.

Marami na raw kasing nag-i-inquire ngayon at natutuwa naman daw siya.

May ilang kaibigan daw siyang gustong tulungan pero maingat na raw siya. Ayaw na raw niyang maulit ‘yung time na buo ang suporta niya sa kaibigan na sa huli ay naglaho rin ang nabuo nilang friendship.

Hindi na namin tinanong kung ‘yung ginawa niyang pagtulong noon sa Aquino siblings ang tinutukoy niya.

Sabi pa niya; “Ang dami ko nang karanasan. Kaya, no, no, no na talaga, unless buo ang loob ko na suportahan sila at naniniwala ako. Nadala na ako eh.”

Marami naman daw siyang natutunan sa karanasang iyun, lalo na sa isyu ng friendship.

Aligaga lang muna siya ngayon sa concert ng Ex Battalion na gaganapin sa Ynares Sports Center, Pasig sa July 14.    

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with