^

PSN Showbiz

Kris pinagbawalang makita sa casino

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hindi pala puwedeng makita sa isang casino si Kris Aquino.

Masunurin ang actress/TV host sa mga kontratang pinirmahan niya lalo na sa mga endorsement kaya naman proud siyang marami pa rin siyang ini-endorse na mga produktong nagtitiwala sa kanya.

Kapipirma lang niya sa isang mala­king appliance ng kumpanya at isa pala sa clause sa kontratang iyun na based sa Korea ay hindi siya puwedeng makita sa casino.

Si Kris kasi sana ang napipisil na mag-host ng Eddys Awards sa July 9 at okay lang sana sa kanya, pero gaganapin kasi sa The Theatre ng Solaire kaya hindi niya puwedeng gawin dahil sa pinirmahan niya sa naturang endorsement na hindi siya puwedeng makita sa casino.

PAK: Unti-unti nang nagparamdam itong si Rina Navarro ang babaeng umanoy karelasyon nung isang government official na na-tsismis kay Ara Mina.

Nung nakaraang linggo ay mahaba ang post ni Rina na tila nagpapatutsada sa isang kaibigan na parang sister daw ang turingan pero na-betray siya. Si Ara Mina kaya ang tinutukoy niya?

Mahaba nag post na iyun na magsisilbing inspirasyon daw sa mga kababaihan na sa kabila ng sama ng loob at sakit na dulot ng isang kaibigan, patuloy na maniwala pa rin daw sa pag-ibig.

Kamakalawa ng gabi ay nag-post muli si Rina at deretsahang ipinarating ang mensaheng iyun sa government official na dating ka-partner at na­tsismis ngayon kay Ara.

Isang quote card ni Spencer Johnson ang ipinost niya na ipinarating at may hamon siya sa government official na iyun.

Ayon sa quote na iyun; “Integrity is telling myself the truth. And honesty is telling the truth to other people.”

May kasunod pa kayang pasabog si Rina kaugnay sa isyung ito? May video raw siyang kuha sa confrontation nila ni Ara. Ilalabas din kaya niya ito?

Na-video din kaya ang tagpong sinabi niya sa aktres na, “Are you having an affair with my partner?”

At ang sagot daw ay “Let me explain”?

BOOM: Kinumpirma na mismo ng Department of Tourism Secretary Berna Puyat na hindi gagawin ang Miss Universe 2018 dito sa atin.

“Okay yung last year kasi may Pia Wurztbach. Pero hindi naman puwede Ms. Universe na lang lagi di ba?” pakli ni Sec. Puyat.

Saka hindi naman daw iyun ang priority sa ngayon, at wala nga raw budget ang gobyerno para sa ganung event.

Pero kahit hindi dito sa ­ating bansa ang Ms. Universe, bahagi pa rin pala sa malaking international beauty competition na ito ang dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson.

Nagkaroon na ng tiwala si Paula Shugart sa kanya dahil sa in-invest niya sa Ms. Universe dito sa atin.

Kaya ngayon ay parte pa rin si Manong Chavit ng nasabing pageant at inaayos pa raw kung sa Macau, Korea o sa Vietnam gagawin ang Ms. Universe.

Kung sa China kasi gagawin, hindi raw papayag ang gobyerno doon ng live. Dapat delayed telecast o i-tape na hindi naman puwedeng gawin.

“Pero kung sa South Korea ginawa, North Korea will participate. Mas maganda ang mga babae sa North Korea. Nakita ko eh,” natatawang kuwento ni Manong Chavit.

Patuloy na maging active ang dating Ilocos Sur Governor sa taunang Ms. Universe. Kahit saan ito gaganapin, magiging isa pa rin siya sa mga producer.

Nilinaw na rin ni Manong Chavit sa amin na hindi naman daw siya nalugi talaga sa nakaraang Ms. Universe dito sa atin. Hindi nga lang daw siya nabayaran ng dalawang malaking kumpanya na ayaw na lang niyang banggitin.

Nang nakausap namin si Manong Chavit kahapon, gusto niyang linawin na hindi raw totoong may dalawang libong katao na raw siyang natulungan at nabigyan ng lupa’t bahay.

“Hindi totoo yun. Meron lang akong tinulungan na isang farmer sa Ormoc na deserving naman talaga siyang tulungan.

“Farmer siya mula nung bata siya, hanggang sa tumanda siya at nagkaanak. Napagtapos niya sa pag-aaral ang mga anak niya, pero wala pa rin siyang lupa’t bahay. Kaya ako na nagbigay sa kanya lahat. Kailangan niya talaga yun,” pahayag ni Manong Chavit.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with