Liza maraming pinakawalan alang-alang sa darna
Napahanga si Erik Matti sa mga ginawang paghahanda ni Liza Soberano para sa pelikulang Darna. Ayon sa direktor ng pelikula ay madaming mga pagbabago na ang nangyari mula nang simulang maghanda noong isang taon. “Grabe ‘yung change from a year ago when we started. That’s because of the dedication of Liza as well. She had to forego a lot of things. We’ve had several look tests already in terms of make-up, costumes for the superhero and for the normal Narda costume. She’s gearing up, she’s quite excited and we’ve done several rehearsals already for critical, emotional scenes,” pagbabahagi ni Direk Erik.
Nilinaw din ng direktor ang napabalitang hindi na magiging kalahok sa Metro Manila Film Festival 2018 ang Darna. “I think it’s tough to put a target to film this big. There’s a lot of things that are unknown. The production is quite big. The post production is also quite extensive. I think ABS-CBN is trying to come up with a very special project with Darna. To put a play date to it, parang sayang din lang para sa project,” makahulugang paliwanag ni Direk Erik.
Maricel proud sa pagiging stage mom
Magbabalik na sa pag-arte ang ina ni Donny Pangilinan na si Maricel Laxa. Nakatakdang gumawa ng pelikula sa direksyon ni Peque Gallaga ang aktres. “I was just asked to do a film pero hindi ko pa sasabihin kung ano. Nag-oo ako kay Direk Peque and I can’t say no kasi na-excite ako, maganda ‘yung project. But you know what, I’m most happy behind the scene, supporting my family seeing Donny be the best that he can be,” nakangiting bungad ni Maricel.
Matagal-tagal nang hindi aktibo ang aktres sa pag-arte sa harap ng kamera at madalas na sumasama sa trabaho ni Donny kaya siya nasasabihang ‘stage mother.’ “Kapag sinasabi ng mga tao, stage mother ka? Yes na yes, I’m stage mother and I’m proud of it. Dugo’t pawis ko ang binigay ko diyan. So why not celebrate it, right?” giit ni Maricel.
Samantala, tanggap umano ng aktres ang hindi magandang mga salita na ibinabato kay Donny sa social media. “It’s never about just being happy that people like him, but it’s about what he can do to help make their lives better. At saka handa rin kami na hindi lahat ‘yan maganda ang sasabihin. Meron din na hindi natutuwa, namba-bash and that’s all part of it. But if there’s one thing I want Donny to remember is this, regardless of what happens in his circumstances dapat buo siya. Dapat alam niya na ang value niya. Hindi siya dapat humanap ng validation sa mundo. Dapat buo na siya para siya ‘yung magbigay ng liwanag,” makahulugang pahayag ng aktres.
- Latest