^

PSN Showbiz

Marvin effortless ang pagtataray

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Marvin effortless  ang pagtataray
Marvin

 Former award winning child actor, palaboy-laboy na lang

SEEN: Dapat paghandaan ni Ara Mina ang pinaplano na pagsasalita ng kanyang ex-friend na si Rina Navarro tungkol sa tunay na dahilan ng pakikipaghiwalay ng huli sa fiancé nito na isang government official. #HindiPaTaposAngLaban.

SCENE: Adlib ni Marvin Agustin ang karamihan sa mga matataray na linya ng karakter niya sa Kambal, Karibal. Wagi sa viewers ng Kambal, Karibal ang effortless na pagtataray ni Marvin.

SEEN: Ang denial for the nth time ni Anne Curtis na buntis siya. Hindi itinatanggi ni Anne na nadagdagan ang timbang niya nang mag-shooting siya sa Batanes para sa kanyang bagong pelikula, ang Aurora dahil sa masasarap na pagkain sa set.

SCENE: Malakas ang dating at mas guwapo sa personal si Donny Pangilinan, isa sa apat na bidang aktor sa Walwal ng Regal Entertainment Inc. at Star Cinema. Ibang-iba ang itsura ni Donny sa personal at sa television screen.

SEEN: Tulong ang kailangan ng former child star na si Boy Alano na pakalat-kalat na lang, ayon sa report ng ABS-CBN. Award-winning child actor si Alano na 74-years old na ngayon dahil nagwagi siya ng acting award sa 6th Asian FilmFest para sa pagganap niya sa Roberta ng Sampaguita Pictures noong 1951.

SCENE: Hindi dapat seryosohin ang balita na Ding, Ang Bato, ang final title ng Darna movie na pagbibidahan ni Liza Soberano.

SEEN: Sintunadung-sintunado ang boses ni Paolo Ballesteros sa concert nila ng The Broadway Boys sa Eat Bulaga noong Sabado pero mas nangibabaw at natandaan ng televiewers ang singing talent ng young singers ng noontime show ng GMA 7.

SCENE: Kasama sa cast ng Victor Magtanggol sina Pancho Magno, John Estrada at Andrea Torres. Bida ng Victor Magtanggol si Alden Richards na mapapasabak sa mga action scene.

vuukle comment

ANNE CURTIS

MARVIN AGUSTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with