^

PSN Showbiz

Jillian mas gusto ang mas may edad!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Jillian mas gusto  ang mas may edad!
Jillian

Parang kailan lang ay child star pa lang si Jillian Ward, all of a sudden ay nagdadalaga na ito right before our very eyes. Payag na rin siyang magkaroon ng love­team dahil sabi niya, bahagi ito ng trabaho niya (at feeling niya dalaga na siya?) At isa sa pinupuntirya niyang makapareha ay si Alden Richards. (‘di siya takot sa AlDub fanatics?)

Kung siya ang masusunod, ayaw niya ng bagets o kaedad na partner, mas gusto niya ng mas senior. Any taker?

Kristoffer ‘di pinayagang  gumawa ng kabadingan

Sayang dahil hindi pinayagan si Kristoffer Martin, isa sa mga kabataang maipagkakapuri ng GMA dahil bukod sa magaling itong umar­te ay may talento pa rin sa mu­sika dahil kumakanta at tumutugtog ito ng gitara, na gawin ang indie film na School Service. Tatampukan ito ni AiAi delas Alas at Joel Lamangan bilang artista. Tinanggihan ng Kapuso Network ang alok para kay Kristoffer dahil sa napakarami nitong mga maseselan at da­ring scenes katambal ang isa pa ring lalaki.

Si Louie Ignacio ang direktor ng pelikula at malaki ang panghihina­yang na hindi magagawa ni Kristoffer ang  movie dahil sigurado siyang mag-aakyat ito ng milya-milya sa kasikatan ng Kapuso actor.

Kris mabilis na nakaipon sa ‘pagkain’

Kung ang dating Kapamilya na si Kris Aquino ay pinag-uusapan, pinupuri, bina-bash and at the same time ay nilalait din, talk of the town din ang isa pang Kris, ang Kapusong si Kris Bernal dahil nakabili ito ng bahay, hindi dito, kundi sa USA.

Actually ang kapatid niyang nurse na two years nang nagwo-work dun ang  nakakita ng bahay na may apat na kuwarto at isang attic. Sa piso ay nagkakahalaga ito ng P30M na iniyakan ng husto ni Kris nang una niyang masilayan. Bunga kasi ito ng maraming taong pagtatrabaho niya. Bukod sa kanyang pag-aartista, mahilig ding magnegosyo ang Kapuso actress ng may kinalaman sa pagkain kaya mabilis siyang nakaipon.

vuukle comment

JILLIAN WARD

KRISTOFFER MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with