^

PSN Showbiz

Maricel ayaw gumamit ng connections kay Donny

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maricel ayaw gumamit  ng connections kay Donny
Donny at Maricel

Proud si Maricel Laxa para sa anak nila ni Anthony Pangilinan na si Donny. Bukod sa pagiging MYX VJ ay aktibo na rin si Donny sa paggawa ng pelikula ngayon.

Isa ang binata sa mga bida ng pelikulang Walwal ni Direk Joey Reyes.

“You’re in your home, this is Regal Films and this is my home. This is my most loved director, Direk Joey. Then ‘yung dream come true ni Donny na magka-movie ay nangyari. So I’m very proud. Hindi mo naman maipagkakaila na when you see your child happy, you are the happiest,” pahayag ni Maricel.

Noong una ay tutol pa ang aktres na pasukin din ni Donny ang mundo ng show business, “To begin with, siya ay very shy child no’ng lumalaki. Hindi ko naman in-expose sa showbiz ‘yung mga anak ko. So nagulat ako no’ng sinabi niyang gusto niyang mag-showbiz. Hindi ko na ‘yon mapipigilan kasi ginawa ko na talaga lahat para maiwasan niya ‘yon,” natatawang kwento ni Maricel. “Hindi ko talaga siya pinakilala kahit kanino. I did not move any of my connections, wala akong kinausap. Pero nahanap talaga siya ni Tita Monch (Novales, Star Magic) niya sa isang sulok ng party. So kinuwento ni Monch kay Ms. Mariole (Alberto) saka kay Mr. M (Johnny Manahan). Hindi na talaga namin napigilan. It was really bound to happen. Ipinagpapasalamat ko lang sa Star Magic is pinatapos nila si Donny ng high school,” pagdedetalye pa ng aktres.

KZ handa nang mag-asawa

Sa June 22 na magaganap ang Supreme: KZ Tandingan Concert sa Mall of Asia Arena.

Magiging special guest ni KZ ang kasintahang si TJ Monterde sa nasabing concert na ang Soul Supreme pa raw mismo ang nagpumilit para pumayag ang binata.

“Sabi ko sige na naman, ‘yung ibang shows ko di ka pumayag. Ito milestone ito sa career ko and it would be my honor if you allow me to sing with you on stage. Tapos ayun, na-convince ko siya,” kwento ni KZ.

Ilang taon na ring magkasintahan sina KZ at TJ kaya posibleng mag-propose na ng kasal ang binata sa mismong gabi ng concert. “Bakit mo naman hihindian? Ang dami pa iniisip, ano ba ‘yon,” natatawang reaksyon ng dalaga.

Samantala, pinagkukumpara ngayon sina KZ at ang bagong Tawag Ng Tanghalan Grand Champion na si Janine Berdin dahil magkahawig umano ang istilo ng dalawa sa pagkanta. Masaya naman daw si KZ para sa naging tagumpay ni Janine. “Siyempre happy ako kasi ang galing-galing ng bata pero we are different artists. Kaya nakikita ako ng ibang tao sa kanya, ayun nga sabi ko we fall in the same category, na iba kami sa normal na napapanood ng mga tao,” paliwanag ni KZ.

vuukle comment

ANTHONY PANGILINAN

MARICEL LAXA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with