^

PSN Showbiz

Carla naiyak sa ginawa ng pamilya ni Tom

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Carla naiyak sa ginawa ng pamilya ni Tom
Carla

Pamilya na talaga ang turing kina Tom Rodriguez at Carla Abellana ng kani-kanilang pamilya. Laging present si Tom sa lahat ng okasyon ng pamilya ng GF at pati sa bakasyon ng pamilya ng GF, kasama si Tom.

Ganu’n din naman ang turing kay Carla ng pamilya ni Tom at sa show nito for GMA Pinoy TV sa San Diego, California, dumating ang mom, siblings at friends ni Tom from Arizona para suportahan at makita siya. Sabi ni Carla, naiyak siya sa ginawa ng future in-laws niya.

Ikinatuwa pa ni Carla na tinawag siyang Lally na name niya sa My Husband’s Lover, ‘yung iba, ayaw siyang pauwiin at marami ang nag-wish ng advance happy birthday. Birthday ni Carla sa June 12.

Aktres pinagdamot ang cake

Nagtatawanan na lang ang mga reporter ‘pag napagkukuwentuhan ang aktres na ito na may kakaibang attitude. May interview sa aktres sa dressing room nito sa network kung saan siya may show.

Habang nag-i-interview, paulit-ulit ang sabi nito ng “sorry, wala akong masi-serve sa inyo” habang may cake sa table nito. Hindi nag-expect ang mga reporter na i-serve sila ng cake dahil tapos na silang mag-lunch, sana lang daw, kahit nagbibiro, nag-offer man lang ng cake ang aktres. O mas maganda kundi na lang siya nag-dialogue na wala siyang masi-serve gayung may cake sa harap niya na nakikita ng mga reporter.

Julie Anne walang paki kahit todo Like ni Benjamin ang ibang girls

Hindi naman pala isyu kay Julie Anne San Jose ang pagla-like ng boyfriend niyang si Benjamin Alves ng picture sa social media ng ibang babae. Ipinagtanggol pa nga ni Julie Anne si Benjamin sa sinabing siya rin ay nagla-like ng pictures ng iba.

“It doesn’t really matter and I’m not affected at all. It such a petty thing to be made an issue. When you are with someone, doesn’t mean you’re not allowed to like pictures of other girls. I also randomly like pictures on socmed. Bakit kailangang bigyan ng isyu?,” pahayag ni Julie Anne.

Hindi rin isyu sa kanya na may kissing scene si Benjamin sa mga project nito dahil nakikipag-kissing scene rin siya. Sa My Guitar Princess nga, may kissing scene si Julie Anne kay Gil Cuerva at hindi pa alam kung may kissing scene sila ni Kiko Estrada.

Samantala, kay Julie Anne itinoka nina Regine Velasquez at Christian Bautista ang dancing sa concert nilang 3 Stars, 1 Heart Dubai na gagawin sa Dubai World Trade Center sa July 16. 

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with