^

PSN Showbiz

Ellen mas piniling idisplay ang diamonds kesa dumalo sa hearing  ng child abuse

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ellen mas piniling idisplay ang diamonds kesa dumalo sa hearing  ng child abuse

MANILA, Philippines - As expected, hindi sinipot ni Ellen Adarna ang preliminary hearing kahapon ng kasong Child Abuse na isinampa sa kanya ng mga magulang ng minor na napagkamalan niyang paparazzi habang kumakain sila ni John Lloyd ng ramen sa isang restaurant. Ang mga magulang ng minor ang nagsampa ng kaso at kahapon nga ay dumalo ang mga ito sa hearing pero hindi nagparamdam si Ellen base sa updates ng mga nag-cover sa Pasig Regional Trial Court.

Kahit abogado raw ay walang pinadala ang kampo ng dating sexy star na nababalita ngang buntis sa panganay nila ng aktor.

Sinasabing kasalukuyang nagluluksa ang pamilya ni Ellen matapos ma-cardiac arrest ang kanyang tatay na naging sanhi ng kamatayan nito.

At imbes na sagutin nga ang isyu sa demanda, mas pinili ni Ellen na idisplay ang diamond ring  na suot niya na parehong ang laki ng bato at isang parang wedding ring.

Actually hindi na bago ang pagdi-display ni Ellen ng nasabing diamonds. Last February pa ay nakita na itong suot ng sexy star habang hawak ang kanyang aso.

Nauna nang may nagkuwento kay Nay Lolit Solis na nagkakahalaga umano ng P3 million ang engagement ring na binigay ni John Lloyd kay Ellen – yellow princess cut perfect diamond. Eh dalawa ‘yun. Yung isa diumano ay binili ni Ellen at ang isa nga ay bigay ni John Lloyd. #GuessingGamePaMore

MMFF namimili na ng 4 na isasali sa Magic 8

Umabot pala sa 24 scripts from 23 produ­cers ang nag-sumbit ng script para sa yearly film fiesta na Metro Manila Film Festival 2018.

Ang iba raw sa mga script ay co-productions and collaborations ng iba’t ibang groups na siya namang uso ngayon.

Mula sa 24 script ay pipili ang Selection Committee ng Top 4 base sa mga sumusunod na criteria :

Artistic Excellence - 40%, Commercial Appeal - 40%, Filipino Cultural Sensibility - 10% and Global Appeal - 10%.?

Ang napiling apat na script at magkakaroon ng announcement sa June 29 at sigurado na sa official entries ng MMFF 2018.?

At ang apat pang bubuo ng Magic 8 ay pipiliin sa finished films na ang deadline naman ay sa September 21.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with